Advertisers

Advertisers

Marco kaya na dalhin ang relasyon kay Cristine; Hilda iniyakan ang pagtalikod sa showbiz

0 11

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MATAPOS ang ilang taon na hindi siya napanood sa TV at pelikula, muling nagbabalik ang magaling na aktres na si Hilda Koronel sa pamamagitan ng historical thriller film na Sisa.

Ang aktres ay sumikat sa mga pelikulang Babangon Ako’t Dudurugin Kita, Kung Mahawi Man Ang Ulap, The Mistress, Crying Ladies at marami pang iba.



Sa telebisyon naman ay Esperanza, Mula sa Puso, Sa Dulo ng Walang Hanggan at Marinella.

Naging mahirap na desisyon daw ang pagtalikod niya sa showbiz pero wala siyang choice dahil nagtatrabaho ang asawa sa California.

Naging simpleng mamamayan daw siya sa nasabing bansa at sobra siyang nanibago sa kanyang karanasan.

Iniwan daw niya ang lahat sa Pinas. Naging mahirap sa unang tatlong taon.

Habang nasa Amerika ay pinagtuunan daw ni Hilda ang pagiging maybahay, hanggang sa pumanaw ang kanyang asawa noong Hunyo 2023.



Inamin din niyang iniyakan niya ang pagtalikod sa showbiz. Naging mahirap dahil minahal raw niya amg pag-arte mula 1969 nang magsimula siya.

***

UNEXPECTED relationship kung idescribe nina Marco Gumabao at Cristine Reyes ang kanilang love story. Ito ang kinwento nila sa vlog ni Karen Davila.

Una raw silang nagkatrabaho sa seryeng Tubig at Langis noong 2015. Ate pa raw ang tawag ni Marco kay Cristine dahil sa limang taon na age gap nila, pero noon pa man din ay nagka-crush na siya rito.

Kung paano sila nagsimulang nagkalapit ay nang maging magkapitbahay daw sila nung panahon ng pandemic.

At nung nagsimulang mag gym at magwork out na halos araw araw nagkita.

Hindi raw nila namalayan na yung feelings na raw nila ang nagwo-work out.

Dumating na rin daw sa buhay ni Marco na kaya na niyang tanggapin ang responsibilidad.

Kung tatanungin daw kasi siya, 2 to three years ago ay baka iba ang kanyang sagot.

Komportable raw sila sa isa’t isa, walang apprehensions at walang hiyaan.