Advertisers

Advertisers

BABALA NI PNP CHIEF MARBIL SA MGA PULIS NA SANGKOT SA ILIGAL NA SUGAL, ‘DI UMUBRA?

0 24

Advertisers

TILA useless ang naging pahayag kamakailan ni PNP Chief, Rommel Frqncisco Marbil, Kasabay ang pagbibigay-diin na “No Take” Policy. na ang ibig sabihin, walang sinuman ang dapat tumanggap ng suhol sa mga gambling lords/operators. Kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot o protektor ng iligal na sugal sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Ayon sa ilang concern citizen, pambobola lamang ang naging babala ni Marbil dahil patuloy pa rin ang pamamayagpag ng iligal na sugal tulad ng jueteng at Pergalan (Perya-Sugalan) partikular sa Quezon City at Caloocan City na protektado umano ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan at maimpluwensiyang pulitiko ayon sa reklamo.

Anila, ang pangungubra ng mga kubrador ng pera (taya) sa jueteng at lantad na sugal na “color games at drop ball” ay isang malinaw na talamak ang iligal na sugal sa mga nabanggit na lungsod.



“Obyus umano ang proteksyon na ibinibigay ng lokal na kapulisan sa nasabing mga lungsod dahil sa lantaran ang pagpapataya ng bet collectors at gambling operation sa loob ng mga Pergalan nang hindi man lamang hinuhuli,” pahayag ng isang source na nakiusap na ‘wag nang banggitin ang kanyang pagkakakilanlan para sa kanyang seguridad.

Sinabi nitong mga tigasing opisyal umano sa NPD at QCPD ang ipinangangalandakan ng mga kubrador at Perya operator na sina alyas Elmer at Baby P. na kanilang mga “kasangga” kaya malabo itong mapatigil dahil sa milyones na “Goodwill” at “Weekly Payola.

“Ayaw kong maniwalang protektado ng mga opisyal ng kapulisan ang iligal na sugal, pero nagtataka lang ako kung bakit hinahayaan nila na magsulputan sa kanilang Areas of Responsibility ang iligal na sugal na lumalabag sa PD 1602 at RA 9287.

Tila PRESS RELEASE lamang umano ang naturang kautusan para lamang may masabi sa madlang pipol si PNP Chief Marbil.

Samantala hindi lamang jueteng ang talamak ngayon sa AoR nina NPD Durector PCOL JOSEFINO at QCPD Director PBGen Melecio Buslig , kundi maging ang inu-umaga o magdamagang sugal lupa na kung tawagin ay drop ball (Pingpong) at color games na pino-protektahan umano ng ilang tiwaling PNP officials?



Subaybayan natin!

Walang sugal, walang kotong!

Sa susunod na isyu, isiwalat natin ang reklamo ng mga residente kaugnay sa inu-umagang sugal na minamantini nina alyas Bunso at alyas Romel Bustamante. Ayon sa sumbong ipinagmamalaki umano ng mga nabanggit na gambling operator na kasangga nila sa kanilang negosyong sugal sina Provincial Director Police Colonel Unos at Santa Rosa Chief of Police PLtCol Dwight Fonte Jr., ang kanilang magdamagang operasyon ng kanilang sugal tulad ng color games at drop ball na matatagpuan malapit sa Asiatel Econo Hotel ng Barangay Pulong Sta Cruz, Santa Rosa City, Laguna.

May follow-up pa kaya subaybayan!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69