Advertisers
NABULILYASO ang pangarap ni Rubilen Amit na matumbok ang titulo sa women’s division ng 2024 Asian 10-Ball Championship matapos sumuko sa finals Huwebes, Disyembre 19, sa Doha, Qatar.
Ang two-time world champion Amit, ay nabigo sa karibal na Chinese Liu Shasha sa hill-hill battle,7-6 para magkasya sa runner-up honors sa 37 player tournament.
Ang pagkatalo ay naganap ilang oras matapos pagulungin ang isa pang Chinese Han Yu, 6-3, sa semifinals.
Sa kabila ng pagkasupil, Amit ay nakasilat ng puwesto sa 2025 World Games sa Chengdu, China.
“Thank you to all the Filipinos here in Doha who have been very supportive to me and Chezka. Maraming salamat po sa inyo,”Wika ni Amit sa social media post, patungkol sa kanyang teammate Chezka Centeno.
Sa katunayan kapwa hangad nina Amit at Centeno na makamit ang titulo sa all-Filipino final pero sa huli, ang reigning world 10-ball titlist ay yumuko kay Liu,6-5,sa ibang semis pairing.