Advertisers

Advertisers

Grizzlies minasaker ang Warriors

0 6

Advertisers

KUMAMADA si Santi Aldama ng 21 points at humatak ng 14 rebounds para sa Memphis Grizzlies, na nagpasabog ng franchise -best-27 three-pointers at bomuslo ng 54% para manlupaypay ang bisitang Golden State Warriors,144-93, Huwebes ng gabi Disyembre 19,(Biyernes Disyembre 20 Manila time)

Ito ang pangalawang pinakamalaking panalo sa mga tuntunin ng margin sa kasaysayan ng Grizzlies.

Pinantayan ng Warriors ang fourth-worst defeat sa kasaysayan ng prangkisa.



Abante ang Grizzlies ng 22 sa pagtapos ng first quarter,31 sa half,at naging 57 sa fourth quarter.

Jake LaRavia nagdagdag ng 19 points para sa Memphis,Jaren Jackson Jr. umiskor ng 17,Desmond Bane nagtapos ng 15 points at 7 assists,at Luke Kennard bumakas ng 15 points.

Eleven sa 12 player na naglaro para sa Grizzlies ay gumawa kahit man lang 1 three-pointer. Ang Grizzlies ay hindi na lumingon pa,umiskor ng season high sa points, nakakuha ng 82 mula sa kanilang bench.

Brandin Podziemski umiskor ng season – high 21 points upang pamunuan ang atake ng Warriors, na tangan ang three-game win streak laban sa Grizzlies ay natapos. Andrew Wiggins umiskor ng 19 para sa Golden State na nabigo ng siyam na beses sa 11 games overall.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">