Advertisers

Advertisers

Conor McGregor, Logan Paul, may Exhibition match sa 2025

0 5

Advertisers

MAGTOTOUS sa isang exhibition match sina dating two-division UFC champion Conor McGregor at World Wrestling Entertainment (WWE) star Logan Paul sa 2025.

Nagkasundo ang kampo ng dalawa na ganapin ang naturang match sa bansang India at maglalaban sa ilalim ng boxing rules.

Mismong si McGregor ang nag-anunsyo sa naturang laban ngunit sa kasalukuyan ay nananatiling limitado pa ang impormasyong inilalabas ukol dito.



Ang tanging idinagdag ng UFC star ay ang kasalukuyan niyang pakikipag-usap sa pamilya ng bilyonaryong si Mukesh Ambani na siyang nag-sponsor sa naturang laban.