Advertisers
Tatlong magkakahiwalay na impeachment complaint na ang kinakaharap ni VP Sara Duterte.
Ito ay matapos ihain ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint sa opisina ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco kahapon, Disyembre 19.
Pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants ang pagsusumite ng naturang complaint.
Ayon kay Ligutan, inendorso ang naturang complaint nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado at House Deputy Minority Leader at AAMBIS-OWA party-list Rep. Lex Anthony Colada.
Aniya, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga simpleng pari at mga simpleng mamamayan, ngunit nais nilang mapanagot ang pangalawang pangulo dahil sa umano’y ilang pagkakasala nito.
Base sa kopya ng complaint na iprinisenta sa media, ang naging ground o basehan sa kanilang inihaing impeachment complaint laban sa Bise Presidente ay ang culpable violation of the Constitution, panunuhol, graft at korapsyon at betrayal of public trust.
Matatandaan na sa naunang impeachment complaint na inihain laban sa Pangalawang Pangulo ay inihain ng civil society organizations na inendorso ni Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña noong Disyemrbe 2.
Ang ikalawa naman ay inihain noong Disyemrbe 4 sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan.
Nag-ugat ang mga inihaing impeachment complaint kay VP Sara sa gitna ng imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability sa Office of the Vice President at Department of Education na dating pinamunuan ni VP Sara dahil sa umano’y misuse sa confidential funds.
Pero sa kabila nito,nananatiling kalmado at kompiyansa si VP Sara Duterte at ang mga abogado nito na hindi magtatagumpay ang senister plan na ito laban sa bise presidente dahil na rin sa matibay na tiwala ng mamamayan sa Pangalawang Pangulo.
Batid Naman ng bawat Pilipino ang buong katotohanan sa likod ng lahat ng ito.
Habang patuloy na denidemolish ng QUAD COMM at ng Kongreso si VP Sara gamit ang resources ng Kongreso,lalo lang nababaon sa kumunoy ang mga taong nasa likod ng demolition job na ito.
Sabi nga, kailanman,di mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan.
Kasaysayan na ang magsasabi kung sino sa mga Marcos o Duterte ang may record ng pandarambong sa kaban ng bayan.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com