Advertisers
Ni Rommel Placente
MARAMI na ang nag-aabang kung ano na ang kasunod na proyekto para kina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos ang matagumpay na pelikula nilang Hello Love Again na unang collaboration ng Kapamilya at Kapuso network.
Sa panayam ng ilang press people sa Senior Vice President ng GMA na si Annette Gozon, sinabi niyang bukas naman ang naturang network sa posibilidad na magkaserye ang KathDen.
Lahat naman daw ay pwedeng pag-usapan. Bukas daw sila at naging maganda naman ang naging collaboration nila. Inamin nga niya na siya mismong siya ay gusto ang ideyang ito pero hindi nga raw niya alam kung series dahil alam niyang mahirap itong gawin at mas madali ang pelikula.
Sa ganitong bukas ang parehong network sa follow up project ng KathDen, mapa-pelikula man ulit o serye ay excited na ang kanilang mga faney.
***
MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto sa kabila ng pinagdadaanang mga problema. Una na riyan ang kinasangkutang investment scam sa kanyang endorsement na agad naman niyang sinagot.
Sumunod ay ang ongoing divorce nila ng asawang si Trevor Magallanes na mismong ito pa ang unang nag-reveal ng kanilang marital problem sa social media.
Sa Instagram ay nag-post naman ang komedyana ng kanyang mga larawan na may caption ng inspiring lyrics ng kanta ng American singer na si Brandy na “Starting Now.”
Patungkol ito sa pagsisimula muli.
Bago ito, mapapansin ang madalas pag-a-update ni Rufa Mae sa kanyang social media accounts ng magagandang larawan niya at mga positibong quotes o lyrics ng isang kanta.
Gusto naman ng netizens ang mga posting na ito ng aktres comedienne dahil pagpapakita raw ito na okay siya.
Maaring ito nga raw ang paraan niya para ipakita sa kanyang mga tagahanga na siya’y nasa maayos na kalagayan sa kabila ng mga pinagdaraanan.
Caption nga ni Rufa sa isang post niya, Go go go for the gold!