Advertisers

Advertisers

PBBM inatasan ang legal experts pag-aralan ang clemency kay Veloso

0 6

Advertisers

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaga pa para pag-usapan ang pagbibigay ng executive clemency kay Mary Jane Veloso.

Sa isang panayam, inihayag ni Pangulong Marcos na malayo pa ang usaping ito sa ngayon, dahil nasa preliminary stage pa lamang ang pagdating ni Veloso sa bansa.

Pahayag ng Pangulo, batid naman nila ang hiling ng pamilya ni Veloso para sa kanyang clemency, subalit maiging mapag-aralan muna nang husto ng legal experts ang sitwa-syon ngayon ni veloso para malaman kung nararapat ito.



Sinabi ng Pangulo na wala namang kondisyon na ibinigay ang gobyerno ng Indonesia at ipinauubaya na sa pamahalaan ang pagpapasya.

Gayunpaman, hayaan muna aniyang mabusisi ng mga experto ang sitwasyon ngayon ni Veloso.

Si Veloso ay dumating nitong Miyerkules ng umaga sa bansa mula sa Indonesia at idiniretso sa Womens Correctional sa Mandaluyong City kung saan siya mananatili. (Vanz Fernandez)