Advertisers

Advertisers

ATONG ANG KINUMPIRMA ANG RELASYON KAY SUNSHINE

0 131

Advertisers

Ni Beth Gelena

MATAGAL na ang sitsit sa businessman at friend ng partners na Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Atong Ang, ang tungkol sa kanilang relasyon ni Sunshine Cruz.

Pero, walang makapagtotoo sa isyu.



This time ay may resibo nang lumabas sa dalawa.

Nakuhanan umano ng larawan ang dalawa na naghahalikan sa labi at nag-viral sa social media.

Lumabas ang nasabing larawan sa Bilyonaryo News kaya umamin na si Ang.

Inamin niyang sila na ni Sunshine nang makapanayam siya ng Bilyonaryo News Channel. Matagal nang nali-link ang dalawa ngunit kinumpirma lamang ito ni Atong matapos mag-viral ang kanilang video na nagki-kiss sa labi. Halos anim na taon naging karelasyon ni Sunshine si Macky Mathay bago ang kumpirmadong relasyon kay Atong.

Noong 2018, na-annul ang kasal ni Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano na ama ng kanilang tatlong anak.



Ayan, siguro matitigil na rin ang may makakating dila tungkol kay La Greta at Atong.

Purely business at friendship lang talaga ang namamagitan sa dalawa.

Huwag nang bigyan ng ibang kulay ang mag-family friends.

Eh, sino ba naman ang hindi masisilaw sa kagandahan ng ex wife ni Cesar.

***

ECHO BUBURAHIN CALENDAR APP DAHIL KAY JANINE

INANUNSYO ng Asia Brewery na si Janine Gutierrez ang kanilang bagong brand ambassador and at the same time ay calendar girl na rin.

Nagbahagi naman ng ilang classy at stunning photos ang actress sa kanyang Instagram account.

Sa unang komento ay mapapansin ang sinulat ng leading man ni Janine sa Lavender Fields, si Jericho Rosales.

Ani Echo: “Deleting my calendar app.”

Napansin ng netizens ang komento ng aktor.

Buburahin daw niya ang kanyang calendar app nang makita ang gorgeous stunning photos ng ‘misis’ niya sa LF na si Iris (Janine).

Pinuri rin ng netizens ang maalindog at classy na imahe ni Janine sa mga larawang ipino-post niya.

Anila: “Kahit ipinakita niya ang kanyang sexiness, nananatiling elegante at classy pa rin si Janine.”

Ang tambalan nina Jericho at Janine sa Lavender Fields dubbed as EchoNine ay nagbigay ng maraming reaksyon mula sa netizens lalo na nang aminin ng actor ang kanilang privately dating nang nag-uumpisa pa lang ang LF.

Narito pa.ang ilang komento ng netizens;

“Nagmumuling lang, hayop!”

“Hoy Echo, huwag mong sayangin si Nini, pupunta ako sa bubong mo pag-uwi ko.”

“Wag mong ipakita sa iba, kami na lang ang mag-aalaga, Charsana, lahat ng ibang lalaki magsasabi sayo.”

“Ayan si Echo hahahaha.”

“Ganito ang calendar concept poses di yung mukhang nagtitinda lng ng panty at bra sa brochure yung model.”

“Hahaha. Kagulo ang mga boys nang dumalaw si Janine sa AB wearing skinny jeans e what more pa kung skinny looks na siya sa kalendaryo?”

“Grabe ms. Janine ikaw na laman ng Facebook, X, U Tube, IG ngayon ito naman grabe nakaka amazed kagandahan mo.”

***

ANGGE KINUMUSTA ANG LIVER NI ANNE

NAGBIGAY si Anne Curtis ng Christmas party para sa mga kasamahan niya sa It’s Okay To Not Be Okay na eere na next year.

Pinasalamatan niya ang whole cast ng Pinoy adaptation nilang K drama.

Ani Anne: “We’ve done 4 pretty toughs yet fun lock-ins it was great night to give back and have fun with the cast, staff and crew. Merry Christmas IOTNBO Fam! See you next year!”

Nagkomento si Angelica Panganiban sa post ni Anne.

Patanong niyang komento, “Musta na liver kambal?”

Sumagot naman ang TV host/actress: “pagod na kambal. Mis na kita tag team”

Hindi ang kalusugan ang tinutukoy ni Angge kundi ang sunud-sunod na festive na pinupuntahan ni Anne kaya biniro niya ang aktres.

Sumingit naman si Enchong Dee, “hindi na lang ako magsasalita”

Sey naman ni Anne: “@mr_enchongdee huy huy huy marami akong pang birthday greeting mo next year. Wag kang magulo”
Pinasalamatan naman ng mga kasamahan ni Anne sa IONTBO ang TV host.