Advertisers

Advertisers

Bea ‘di pine-pressure ang sarili na magkadyowa; Bossing Vic magpapaiyak sa MMFF entry

0 17

Advertisers

Ni Rommel Placente

NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual. Handog ito ng MZet, APT Entertainment af MQuest Ventures. Pagbabalik din ito ni Bossing sa Metro Manila Film Festival na magdiriwang ng 50 years ngayong Kapaskuhan.

I’m sure maninibago ang mga manonood sa kakaibang Vic na kanilang mapapanood sa nasabing pelikula. Kung dati kasi napapatawa tayo ni Bossing Vic sa kanyang karakter bilang si Enteng Kabisote, sa bago niyang pelikula ay papaiyakin ka naman niya.



Maninibago ka sa kanyang karakter bilang hari na maraming tatoo sa katawan.

Hindi kami magkukwento masyado dahil ayaw naming maging spoiler .

Kahanga hanga na tila kinarir niya ang pagiging dramatic actor sa pelikulang ito at hindi rin siya nagpatalo sa mabibigat na eksena kasama ang ibang cast na sina Cristine Reyes, Sue Ramirez at Sid Lucero. Ang malaking tanong ngayon ay kung matatanggap ba ng mga faney ang kakaibang Vic na makikita nila? Inaabangan din kung magna-number one din ang kanilang pelikula sa takilya.

Ang The Kingdom ay dinirihe ni Michael Tuviera.

***



SA Spain magpa-Pasko si Bea Alonzo kasama ang kanyang ina, kapatid at hipag.

Matatandaang nakabili ng magandang apartment ang aktres sa nasabing bansa at nakuha niya na ang residency niya roon sa pamamagitan ng pag-acquire ng property investment.

Ayon kay Bea nakapunta na raw ang mommy niya nung house warming pa lang ng kanyang bahay. Pero ngayon ngang kapaskuhan ay sama sama silang lahat ng pamilya na magpa-Pasko sa Andurra kaya white Christmas nga raw ang mangyayari.

Pero una nang tinanggi ni Bea ang pagkakaroon ng boyfriend kahit pa may nali-link na foreigner sa kanya. Hindi rin daw niya pini-pressure ang sarili na magka-bf.