Advertisers
GAGAWIN ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang masuportahan hindi lamang ang mga OFWs kundi pati na rin ang kanilang mga pamilyang naiwan sa bansa.
Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag sa Pamaskong Handog Para Sa OFW Family na ginanap sa Malakanyang.
Bilang bahagi ng pangangalaga sa mga OFW, binigyang-diin ng Presidente ang pagpapalakas ng diplomatic relations sa mga bansang tumatanggap ng mga Pilipinong manggagawa.
Sa ganitong paraan, ayon kay Pangulong Marcos, masisiguro ang kanilang kaligtasan at pagtamasa ng tamang benepisyo sa ibayong-dagat.
Dagdag pa rito, nagpahayag din ng pasasalamat ang Pangulo sa mga labor attachés na nagseserbisyo para sa kapakanan ng mga OFW sa ibang bansa.
Bilang tugon sa pangangailangan ng mga OFWs, ipinagmalaki ng Pangulo ang groundbreaking ng OFW Hospital-Bagong Pilipinas Cancer Care Center sa Pampanga kamakailan.
Paliwanag ni Pangulong Marcos, layunin nitong magbigay ng libreng serbisyong medikal gaya ng chemotherapy at radiotherapy sa mga OFWs na may malulubhang karamdaman. (Gilbert Perdez)