Advertisers

Advertisers

ZAMBIAN NATIONAL, TIKLO SA PAGDALA NG P63-MILYON HALAGA NG SHABU SA NAIA

0 39

Advertisers

ISANG 33-anyos na Zambian national ang inaresto ng mga tauhan ng PNP AVSEGROUP kasama ang mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group makaraang madiskubre ang una na may dalang iligal na droga na nakatago sa kanyang bagahe, pagdating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Martes ng gabi, Disyembre 17 , 2024.

Nadiskubre ng mga awtoridad mula sa Bureau of Customs (BOC) ang kabuuang 9.276 kilo ng hinihinalang methamphetamine, karaniwang tinatawag na “shabu,” na nakatago sa dalawang transparent plastic bag na inilagay sa loob ng compartment ng kanyang bagahe.

Nabatid sa ulat na habang dumadaan sa x-ray machine ay agad na naghinala ang customs examiner sa image na lumitaw sa loob ng bagahe kaya isinasagawa ang regular 100% physical examination kung saan nadiskubre ang iligal na droga ay may tinatayang halaga na Php 63,076,800.00.



Nasa kustodiya na ngayon ng NAIA-IADITG Operations Center ang mga nakumpiskang droga para sa kaukulang dokumentasyon, habang nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni PNP AVSEGROUP Director PBGen Christopher N Abrahano,bilang pangunahing gateway sa bansa, dapat manatiling ligtas at walang droga ang NAIA. Ang AVSEGROUP kasama ang iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas at mga awtoridad sa paliparan ay hindi magpapatinag sa tungkulin nitong protektahan ang mga pasahero at itaguyod ang kaligtasan sa paliparan, lalo na ngayong kapaskuhan. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)