Advertisers
NASAWI ang tatlo katao, at dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan nang mabundol ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sakop ng Barangay Balite San Miguel, Bulacan, Martes ng gabi, Disyembre 17, 2024.
Kinilala ni PNP Provicial Director, Colonel Satur L Ediong, ang nasawing bus driver na si Joseph Christian Catingnco y Edralin, 35 anyos, ng 084 Brgy. Nagmisahan, Cuyapo, Nueva Ecija.
Sa ulat, binabagtas ng tricycle ang southbound lulan ang tatlong pasahero nito nang nag-overtake ang Golden Bee Transport (CXU-138) sa shoulder patungo ng northbound na nagresulta ng salpukan ng dalawang sasakyan, kungsaan tatlo ang nasawi na kinabibilangan ng driver at ikinasugat ng malubha ng dalawang iba pa.
Dinala sa San Miguel District Hospital ang mga biktima.
Samantala, detenido ngayon ang driver sa San Miguel Municipal Jail habang inihahanda ang kasong multiple Homicide at Serious physical Injuries and Damage to Property.(Thony D. Arcenal)