Advertisers
KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Brigadier General Jean Fajardo, na may nakatakdang pagbabago sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP.
Ayon kay Fajardo, inaasahan na sa mga darating na araw ay magkakaroon ng reshuffle upang mapunan ang mga bakanteng posisyon na iniwan ng mga nagretirong opisyal.
Isinagawa na ang retirement honors nitong Lunes para kay Deputy Chief for Operations Lieutenant General John Dubria, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP.
Dagdag pa ni Fajardo, nananatiling bakante ang ilang mahahalagang posisyon sa PNP, kabilang na ang Directorate for Information and Communications Technology at ang Anti-Cybercrime Group.
Bukod dito, inaasahan din mababakante ang posisyon ng director ng Headquarters Support Service dahil nalalapit na rin ang pagreretiro nito.