Advertisers

Advertisers

Julia game na sumabak sa pagka-Best Actress kalaban sina Vilma at Nadine sa MMFF ’24

0 12

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

MAHIGPIT ang labanan para sa pagka-Best Actress sa nalalapit na 50th Metro Manila Film Festival.

Front runner sa kategorya sina Judy Ann Santos para sa Espantaho at Vilma Santos para sa Uninvited.



Si Julia Barretto naman ang leading lady sa Hold Me Close nila ni Carlo Aquino ng Viva Films at Ninuno Media.

Kaya natanong si Julia kung ready na ba siya na lumaban kina Juday at Ate Vi as Best Actress?

Tumawa muna si Julia bago sumagot matapos sabihin ni Carlo na, “Oo naman! Ang galing kaya ni Juju dito!”

Lahad ni Julia, “You know what, I don’t know, I’m not sure how to answer this question.

“Number one, sobra ko silang dalawang iniidolo, so even to mention my name beside theirs, is medyo nakakadiyahe siya.



“But I think this alone, this film making it to the MMFF on their 50th year and just being included is already such a great honor.

“So ayun, like grateful naman ako with this alone.”

Masasabi ba niyang ito ang isa sa mga best performances niya?

“I don’t think I should be the one answering this,” nakangiting pakli ni Julia.

“Feeling ko naman at the end of every project, we just always try to give our best.”

Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ipalalabas sa mga sinehan ang Hold Me Close, na kinunan ang halos kabuuan sa Japan, simula December 25.

***

VERY close friends sina Royce Cabrera at Kokoy de Santos.

At sa 50th Metro Manila Film Festival sa Pasko ay pareho silang may entry; si Royce ay ang Green Bones ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, at si Kokoy naman ay nasa Topakk ng Nathan Studios at sa And The Breadwinner is.

Magkalaban sila ni Kokoy sa filmfest, banggit namin kay Royce, na tumawa muna bago sumagot.

“Well actually, pag napag-uusapan naman namin yun, kami naman po hindi naman namin iniisip na magkalaban, e.

“Kumbaga, parang sa amin ang goal namin this MMFF is mabigyan ng magandang pelikula, entertainment, yung mga tao.

“Dahil alam naman natin na kapag Kapaskuhan, for the family, friends, for anyone.

“Kaya sana suportahan nila lahat ng pelikulang Pilipino,” pahayag pa ni Royce.

Sa direksyon ni Zig Dulay at sa panulat nina National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner [for Firefly] na si Anj Atienza, nasa Green Bones din sina Alessandra de Rossi, Ronnie Lazaro, Wendell Ramos, at sina Iza Calzado at Nonie Buencamino sa espesyal na partisipasyon.

Katuwang sa produksyon ang Brightburn Entertainment at distributed ng Columbia Pictures, nasa Green Bones din sina Mikoy Morales, Sofia Pablo, Sienna Stevens, Kylie Padilla, Pauline Mendoza, Victor Neri, Ruby Ruiz, Gerhard Acao, Raul Morit, at Enzo Osorio.