Advertisers

Advertisers

Hirit ng mga JO kay Yorme ng Manila

0 457

Advertisers

Sana po, mahal na Yorme, masabay na po sa sahod yung binigay nyong pa-bonus Christmas sa mga JO nyo. Kasi po yung sasahurin nila ngayon ay mga na vale na nila. Sana po matugunan nyo ang kanilang kahilingan, tutal naman po magpa-Pasko #keepsafe – JO ng Manila City Hall

Brgy. officials nagbilin sa SAP beneficiaries magbigay ng P1K pagkakuha
REPORT KO PO YUNG (2 BARANGAY OFFICIALS) NG BRGY. 196, NANGHIHINGI NG P1,000 KAPAG NAKUHA NA RAW ANG SAP NG MGA KA-BARANGAY NYA. PARA RAW YUN SA PROJECT NG BARANGAY O MAPUPUNTA LANG SA BULSA NYA? SANA MAAKSIYUNAN NI MAYOR ISKO MORENO YAN. UUTUSAN NYA ANG MGA TANOD NILA PARA MAG BAHAY-BAHAY PARA MAKUHA ANG TIG-P1,000 NA HINIHINGI NI OPISYAL. DI BA BAWAL YON? – Concerned citizen
(Editor: Kunan nyong video ang panghihingi para may ebidensiya)

Reklamo vs Brgy. Kagawad sa Baseco, Port Area, Manila
Gud pm. Reklamo kolang po itong daan d2 Baseco habitat blk 6, row 6, ginawa nang bahay ni Kagawad Navalta. Wala na po kaming madaanan tuwing umaga na papasok kami sa trabaho, at kung sakaling magkasunog ay maraming mamatay dahil yun lang ang tagusan sa high way. Napaka suwapang, ginawang tambayan ng mga bakla sa gabi. Sana makarating po kay Yorme ang problemang ito. Malakas po kc itong si Navalta nayan kay Chairman kaya ‘di magalaw. Madami nang nagrereklamo dito. – Concerned citizen



Wakasan na ang CPP-NPA-NDF para sa pag-unlad ng mga liblib na probinsiya
Mas dapat na ipagpatuloy nalang ang whole of the nation approach ng gobyerno at patuloy na hikayating sumuko at magbalik-loob ang mga rebelde lalo na ngayong magpaPasko. Mas nagiging epektibong paraan pa ito sa mga komunidad na makipagtulungan, kasi patuloy na naaantala ang pag-unlad ng kanilang bayan kung kaya’t sila narin mismo ang kusang nakikipag-ugnayan sa gobyerno para isuplong ang mga rebeldeng nanggugulo sa kanila. Tamang wakasan na ang CPP-NPA-NDF para sa pag-unlad ng mga liblib na lugar sa probinsiya. – Makabayan