Advertisers

Advertisers

Akari tinuldukan ang 3-game slide vs Chery Tiggo

0 8

Advertisers

TINULDUKAN ng Akari ang kanilang three-game skid matapos pabagsakin ang Chery Tiggo,22-25, 26-24, 25-18, 25-20, sa PVL All-Filipino Conference Martes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nakabalik ang chargers sa kanilang winning form sa kabayanihan nina Grethcel Soltones, Fifi Sharma at Ivy Lacsina.

Ang mindset ko alam ko yung role ko na kailangan ko lang mag-receive and magandang depensa at sa points hindi ko na siya iniisip so every time may dadating na bola so ginagawan ko ng paraan pero yung role ko talaga sa team is magandang first ball at depensa sa likod,” Wika ni Soltones.



Nagtala si Soltones ng 22 points, 20 off attacks, pinakita ni Sharma ang kanyang best game ngayong conference sa iniskor na 16 points, six blocks at two aces habang si Lacsina bumakas ng 15 points.

Setter Kamille Cal naglatag ng 15 excellent sets at palamuting five blocks.

Chery Tiggo nalaglag sa 3-2 rekord sa kabila ng inambag na tig-14 points nina Cess Robles at Ara Galang. Humataw rin si Galang ng 12 excellent digs habang si Jen Nierva kumasa ng 18 excellent digs. Jas Nabor nag tossed ng 15 excellent sets.