Advertisers

Advertisers

IATF vs Covid-19 carriers!

0 654

Advertisers

SA harap ng di mapigilang paglobo ng bilang ng mga nahahawahan ng nakamamatay na COVID 19 ay kailangan pang magpatupad ng mahigpit at mapangahas na hakbang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-ID) upang puksain ang carriers ng naturang sakit.

Ang malaking suliranin, bagamat walang humpay ang panawagan ng IATF para labanan ang COVID 19, ay di naman mabilang ang dami ng sumusuway sa health standards and protocols na sinimulang ipatupad ng pamahalaan mula noong March 2020.

Itinatag ng IATF ang Joint Task Force COVID Shield na unang pinamunuan ni PNP Deputy Chief for Administration P/LtGen. Guillermo T. Eleazar at isinalin naman kamakailan sa pamumuno ni PNP Deputy Chief for Operations, P/LtGen. Cesar Hawthorne Binag.



Inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang JTF COVID Shield na lalo pang paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang paglaganap ng corona virus lalo na’t papalapit ang kapaskuhan. Inaasahan ang pagdagsa ng mga mamamayan sa mga malls at iba pang matataong lugal.

Iniutos din ni Año na magtalaga ng pulis sa mga barangay para masusing masubaybayan ang pagpapatupad ng alituntunin sa kwarentinas.

Hinimok din ng Kalihim ang publiko, mamamahayag, bloggers at social media users na makipagtulungan sa pagbibigay ulat sa mga awtoridad para matukoy ang mga lumalabag sa minimum health standards.

Sa kabila naman ng direktiba ni Año ay marami pang mga lugar kung saan garapal ang pagsuway sa pinaiiral na health protocols at pinaniniwalaang may mga potensyal na COVID 19 carriers.

Sa mataong barangay ng Santa Ana, Gen. Trias City, Cavite, ay dinakip ng mga operatiba mula sa Camp Crame, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ilang araw pa lamang ang nakararaan ang may 23 kataong nagrerebisa ng taya sa jueteng na pinatatakbo nina alias John Yap at alias Jun Moriones.



Liban sa pagpapatakbo ng jueteng na kunyari ay awtorisado ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) Perya ng Bayan (PnB) ay nadiskubre din lantaran doon na nilalabag nina Moriones at Yap ang COVID 19 health protocols and standards.

Sa inquest proceedings sa tanggapan ng City Prosecutors, ang 20 sa mga alipores nina Yap at Moriones ay iniutos na ipakulong , samantalang ang tatlong senior citizen na kabilang sa mga naaresto ay pinalaya “for humanitarian reason”.

Isa lamang ang Brgy. Santa Clara, Gen. Trias City sa probinsya ng Cavite na pinamumugaran ng pajueteng nina Yap at Moriones na tandisan din ang pagsuway sa atas ng IATF.

Mayroon din ang mga itong rebisahan ng taya sa jueteng sa Cavite City, Bacoor City, Trece Martires City at mga munisipalidad ng Tanza, Ternate, Amadeo, Maragondon, Naic, Magallanes at iba pang mga siyudad at bayan sa Cavite.

Magsisilbing babala ito kay Cavite PNP director,P/Col. Marlon R. Santos at batik sa kanyang magandang achievements sa Cavite. Kunsiderableng “Strike One” ito laban sa kanya sa ilalim ng doktrina ng “One Strike Policy”.

Sayang naman kung dahil lamang sa gambling operators na sina alias John Yap at alias Jun Moriones ay posibleng masibak ang masipag nating Cavite PD?

Lumilitaw na ipinahamak ng Gen. Trias police chief ang pamunuan ng Cavite Provincial Police Office sa di nito karakang paglansag sa iligal na pasugal nina Yap at Moriones..

Hindi dapat kabahan sina PD Santos at mga hepe ng kapulisan nito sa ipinagbabanduhan ni Yap at Moriones na may bendisyon ang kanilang illegal na pasugal sa tanggapan ni Cavite Gov. Junvic Remulla.

Kaya naman pala sa looban ng halos ay dalawang buwang jueteng operation ay di karakang nasupil ang pajueteng nina Yap at Moriones ng Gen.Trias Police Office.

Bilang pagtugon sa panawagan ni Sec. Año ay naririto pa ang mga gambling dens kung saan ay garapalan din ang bentahan ng shabu at paglabag sa ipinatutupad ng IATF na COVID 19 health and safety protocols.

Jueteng dens ni alias Ka Carling, Vie at alias Maliwanag) sa Brgy7. Bulacnin, Lipa City kung saan nirerebisa ang taya mula sa 50 mga barangay na inooperate ng nabanggit na gambling operators. Doon din nagpapabenta ng shabu sina alias Ka Carling, Vie at Maliwanag.

Ang mga kaalyado nina alias Ka Carling, Maliwanag at Vie sa pagbebenta ng shabu at iligal na pasugal ay sina Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak, alias Lorenz ng Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy-Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao, alias Kap Wanita at Kap. Fernan, na kapwa operator ng STL bookies/ jueteng at financier ng kalakalan ng droga sa South at North District ng Lipa City na kumakatawan sa 34 na barangay ng naturang siyudad.

Hindi natin malaman kung bakit di umaaksyon laban sa mga ito si Lipa City Mayor Eric Africa, baka naman totoo ang ulat na kasosyo nga ng mga drug/gambling operator ang isa sa kapatid ng alkalde?

Dapat alalahanin ni Africa na bumagsak ang karera-politikal ng tinalo nito sa pagka-alkaldeng, si , ex- Mayor Meynard Sabili dahil sa alegasyong isa sa kapatid nito ay kasosyo noon sa operasyon ng kalakalan ng droga at pagpapatakbo ng Small Town Lottery cum jueteng sa nasabi ring lungsod?.

Hindi naman malayong ang kinatnan ni Sabili ay mangyari din kay Africa at kay Mayora Celsa Rivera ng bayan ng Padre Garcia, Batangas. Sa Pafdre Gaarcia ay namamayani din ang operasyon ng bentahan ng droga at pajueteng ng grupong kriminal na Tisoy/ Idol-Flores gun for hire and kidnap for ransom group.

Ang lider ng naturang sindikato na sina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol ay nagmamantine ng bentahan ng shabu at mga rebisahan ng jueteng sa mga Brgy. Sambat, Banaba, Quilo-Quilo South, Quilo-Quilo Nort at Poblacion na di naman alintana ni Police Chief, P/Capt Eugenio Nepthali Solomon.

Beware Capt. Solomon, sa ganitong uri ng mga iligelista ay galit na galit sina Sec. Año at PNP Director General Debold Sinas. Mistulang malutong na sampal ang mga kabalbalang pinanggagawa ni Tisyoy/ idol crime group kay Mayora Rivera.

Nakarating kaya ito sa kaalaman ni PNP Region 4-A Director, PBG Felipe Natividad, Batangas PNP Provincial Director, P/ Col Arvin Rex Malimban at CIDG Regional at Provincial offices?

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.