Advertisers

Advertisers

50 KUBETA PINAMAHAGI SA ‘KUBETA KO PROJECT – ISKO

0 270

Advertisers

NASA may 50 pamilyang na pawang informal settlers sa Parola, Tondo ang unang nabiyayan ng disenteng kubeta bilang bahagi ng ‘Kubeta Ko Project’ at kasabay nito ay nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno na itigil na ‘open defecation’ o pagdumi sa kung saan-saan dahil may hatid itong banta sa kalusugan at kaligtasan lalo na sa gitna ng pandemya.

Kasamang dumalo ni Moreno sa paglulunsad ng nasabing proyekto ang mga opisyal at kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, British government, Bill and Melinda Gates Foundation, MWSS at Maynilad.

Ang naturang proyekto ang bilang pagtalima sa mandamus ng Korte Suprema para sa paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay.



Ayon naman kay Moreno, maswerte ang mga residente na mabibigyan ng mga kubeta. Naalala ni Yorme, noon ay isa siya sa mga tinatawag na “magsusuman” na dahil walang sariling palikuran ay binabalot daw ang dumi na parang suman.

Pero sana aniya ay gamitin ang mga bagong kubeta ng tama at pahalagahan, upang maiwasan ang kadugyutan at higit sa lahat, maiwasan ang mga sakit gaya ng polio. (ANDI GARCIA)