Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
NAGLABAS ng saloobin ang unico hijo nina Nora Aunor at Christopher de Leon na si Ian de Leon sa pamamagitan ng kanyang Youtube Channel kaugnay ng ilang negatibong komento na natanggap niya na sangkot ang inang Superstar.
Nag-ugat ang nasabing isyu matapos hindi puntahan o kanselahin ni Ian ang inihandang dinner ni Mama Guy para sa kanyang kaarawan.
Sa kanyang Youtube Channel live stream, ikinuwento ni Ian ang naging pag-uusap nila ng ina.
Sey ng actor, masaya anya siya na muli silang magkikita ng Superstar matapos na hindi magkita at magkausap nang matagal.
Lalo umano siyang natuwa nang sabihin ng inang magkita sila at ipaghahanda siya ng birthday dinner.
Pero nang sabihin umano ni Nora na kung pwede ay i-YT ang kanilang pagkikita at isama ang isang hindi pinangalanan nitong tao, umayaw na raw ang actor.
Dahil dito kaya marami raw ang nanghusga na kay Ian sa hindi pagsipot sa inihanda ni Mama Guy para sa kanyang kaarawan.
Apektado anya si Ian dahil hindi naman umano siya kilala nang lubos ng mga nanlalait sa kanya.
‘Ika nga ng actor, nais lang naman daw niyang maging pribado ang pagkikita nila ng Superstar na ermat sa kabila na angkan sila ng mga artista.
Kasabay nito, sinuportahan si Ian ng kanyang mga kapatid na sina Lotlot at Matet de Leon kaugnay ng naturang kontrobersya.
***
‘BIDA STAR NG PASKO’ MALALAMAN NA NGAYON
MALALAMAN na kung sino ang susunod na matutupad ang pangarap sa pagtatapos ng “Bida Star ng Pasko” ngayon, Disyembre 15.
Sa loob ng apat na linggo, napanood sa sunud-sunod na challenges ang 17 finalists na nangagarap maging artista.
Tampok ang bawat isang finalist sa Christmas-themed acting challenges sa Kumu livestream. Bukod dito, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasama ang seasoned theater actor na si Jojit Lorenzo sa tatlong acting masterclass.
Para manalo, kailangan ng mga finalists na makalikom ng score mula sa kanilang mentor, Kumu virtual gifts, at KTX votes.
Bukod sa P15,000 na salaping pa-premyo, ang tatanghaling “Bida Star ng Pasko” ay magkakaroon ng pagkakataong maging lead sa isang darating na online Christmas special.
Nakasama ng mga finalist sa Kumu Livestream bilang host ang Ultimate Bida Star na si Cherry Mendoza.
Panoorin ang huling yugto ng Bida Star ng Pasko sa Disyembre 15, 12 PM.
***
Royce Cabrera joins GMA Artist Center
THERE’S a new Kapuso hunk in town! GMA Artist Center (GMAAC) welcomes the latest addition to its roster of talents as Royce Cabrera officially signed a management contract.
Present during his contract signing were GMAAC Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMAAC Senior Talent Manager Tracy Garcia, and Royce’s co-manager Ernesto Unay.
Royce looks forward to an exciting career as a Kapuso, “Sobrang nakakatuwa po at nakaka-excite kasi grabe talaga ‘yung pag-welcome ng Kapuso Network sa akin. Sana ay magkaroon po ng more projects kung saan mas maipapakita ko pa ‘yung kakayahan ko sa pag-arte.”
When asked about the Kapuso stars he wishes to work with, Royce has already a few in mind, “Si Sir Dennis Trillo kasi may mga ilang palabas na niya akong napanood at talaga namang mahusay siyang actor. Gusto ko ring makatrabaho si Ms. Sanya Lopez dahil mahusay siya at nararamdaman kong may chemistry kami.”
Meanwhile, Ferrer is eager to see how Royce can maximize his potential under their management, “Royce is a promising artist. You can see that he seeks to learn more about his craft and he shows great potential to take on various roles in the future.”
Royce will soon star in one of the installments of the upcoming GMA Public Affairs drama anthology ‘My Fantastic Pag-ibig,’ which will feature a series of compelling love stories set in present times, infused with exciting and dynamic plots.
He has previously appeared in a number of independent films in the past, including ‘F#*@BOIS’ and ‘Lola Igna.’ He was also part of the ‘Magpakailanman’ episode Fishergays.