Advertisers

Advertisers

‘BEAST MODE’

0 31

Advertisers

NAALARMA at naging palaisipan ng karamihan ang pagmumura at pagbabanta ni Sara Duterte sa buhay ng pangulo, ang unang ginang, at ispiker ng Camara de Representante sa ginawa niyang “midnight broadcast.” Hanggang ngayon, palaisipan sa inyong abang lingkod ang ginawa ni Inday Sayad. Sa kasaysayan ng modernong pulitika, hindi pa ito nagagawa, at, naging sentro ang Pilipinas ng balita, dahil sa hindi magandang dahilan. Ang “beast mode” ni Sara Duterte ay dumadagundong pa rin.

Ani Ronald Llamas, para siyang nanood ng Blair Witch Project na ang nagsasalita , imbes na takot ay nagparang sinaniban. Tanong lang po ng maliit na mamamahayag: Gusto niyo ba na ang susunod na magiging pangulo ay sinaniban ng masamang espiritu? Dumako tayo sa ibang masasamang espiritu. Nagparang supot na kuwitis ang ginawang “vigil” ng mga tagasuporta ni Inday Sayad sa Edsa Shrine. Matapos ang ilang araw na pamamalagi ng mga DDS sa bantayog, noong nakaraang Biyernes walang raliyistang DDS. Ngunit hindi pa nakakahinga si Juan Ddla Cruz biglang “enter frame” ang Inglesya Ni Kristo na nagsabing magsasagawa sila ng malawakang kilos-protesta para kay Inday Sayad.

Sa totoo lang, gawain ng pulitiko ang gamitin ang impluwensya ng Inglesia Ni Kristo upang isulong ang kanyang agenda. Ang nabanggit na sekta ng pananampalatayang Kristyano ay kumakatawan sa humigit-kumulang 2.6%. kung ikukumpara sa lahat ng namampalatayang Pilipinong Kristyano sa buong bansa, maliit ito. Ngunit ang INC ay sumusunod sa utos ng kanilang liderato. Sa maikli, gumagalaw sila na parang isang organismo na may iisang utak. Tuwing halalan ang organismong ito ay iisa ang boto, kaya maraming pulitiko ang nagkakandarapang kumatok sa kanilang pintuan ng kanilang sambahan upang humingi ng basbas.



Kamakailan ito ang ginawa ni Inday Sayad at ang ama nitong serial killer na dating presidente. Dumalaw sila sa Sentral ng INC, hindi upang magbigay-pugay, kundi upang makakuha ng suporta. Sa kasaysayan nakilala ang INC sa pagsuporta ng kandidato, na kadalasan ay hindi nagugustuhan ng taumbayan. Tuloy nagtatanong si Juan dela Cruz ang panig ba sila sa mga madidilim at buktot ang pamumulitika? Maraming mga kaibigan ang inyong abang-lingkod sa INC, at masasabi ko sila ay mahuhusay na tao. Ikinagagalak ko silang maging mga kaibigan. Nasasaktan ako kapag ang pananampalatayang kanilang kinaluluklukan ay nadadawit sa mga kontrobersya.

Hindi ko na pupunteryahin na malakas ang pulis o salesgirl kapag miyembro siya sa INC. Malinis at madulas ang pamamalakad ng mga papeles mo kung sa kapwa mo idadaan ang mga business permits at lisensya. Sa maikli, mas maluwag kung kasapi ka, walang komplikasyon, walang burukrasya. Didiretsuhin ko po kayo. Sekta ba ito ng relihyon o malawakang “social club”? Nagpapagamit ba ang liderato nito sa mga tiwali at taliwas? Impluwensiya ba ang hangad niya?

Sa akin hindi magsisinungaling ang matematika. 2.3% ay 2.3%. Sabagay 2015 pa ang datos na iyan kaya humigit-kumulang lang nga. Wala akong hangad na suwagin ang INC o harbatin ang mabahong peluka ng tagapagtanggol nila, ngunit bilang mamamahayag nararapat kong itanong ang mga ito upang kayo, mga giliw kong tagabasa, ang magkaroon ng kaukulang sagot. Stupid question lang po.

***

UMIIGTING ang sitwasyon ng panghihimasok sa ating teritoryo ng pulahang tsina. Ngayon, ang mga kasapi mismo ng nabal ng PLA ang humarang sa resupply mission ng PCG sa BRP Sierra Madre. Tuloy napapaisip ako kung timing ang lahat ng ito. Una, dahil sa bagong pahayag ng Malacañan ukol sa bagong pagmapa sa mga sea lanes o daanan ng barkong dayuhan na lumalayag at dumadaan sa ating teritoryo, lalo na sa West Philippine Sea. Angry, isa pa, ang pushback ng maraming sektor ng lipunan kay Inday Sayad at ama niyang serial killer na dating pangulo. Batid ko na maka-pulahang tsina ang mga hamag at pinipilit brasuhin ng mga singkit ang naratibo at impluwensyahan ang ating politika.



Ang tugon ay gamitin na ang kanilang mga hukong pandagat sa pagharang ng mga resupply ships. Ibig sabihin militar na nila ang humaharang. Ibang usapan ito dahil mismong sandatahan na nila ang nagsasagawa ng pagharang sa resupply missions. Hindi na tayo mapipigil na gamitin ang Hukbong Pandagat natin sa resupply mission. Sapantaha ko, nararapat nang baguhun ang reaksyon natin. Kahit nagiging marahan pa rin tayo.

Hindi maganda ang papuntahan nito. Matimpihin tayo ngunit ang lahat ay may hangganan din. Panalangin ng maliit na mamamahayag na ito na hindi magkaka sigalot; ngunit kailangan na natin magging matapang. Kailangan natin maging matatag. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

Jok Onli:

Sa pagkakataong ito, ang Jok natin ay nasa wikang Inglesmula sa kulpritong itatago natin sampangalang Jay-R Flores:

 

TOM: Hey bro the results are out; lets go and check it out…

GUTZ: I’m with my dad, please check my scores and text me…

TOM: Ok…

GUTZ: Listen if I flunked one subject text “GOOD

MORNING TO YOU”, if two text GOOD MORNING TO YOU AND YOUR DAD…

(Tom texts back:) GOOD MORNING

TO YOU, YOUR DAD, YOUR FAMILY, AND YOUR NEIGHBORS TOO!!!…

***

mackoyv@gmail.com