Advertisers

Advertisers

Pag-expire ng bilyong halaga ng bakuna isinisi sa Duterte admin

0 17

Advertisers

ISINISI ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa pamunuan ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng administrasyong Duterte ang pag-expire ng bilyon-bilyong halaga ng bakuna at medical supplies.

Inihayag ito ni Garin matapos lumabas ang ulat ng Commission on Audit (COA) na mahigit P11 bilyong halaga ng gamot, bakuna at iba pang medical supplies ang nag-expire o nasira. Kabilang dito ang 7,035,161 vials ng COVID-19 vaccines.

Itong mga nangyari at nakita ng COA ay dahil sa weak leadership at management ng Department of Health noong nagdaang administrasyon,” pahayag ni Garin, dating kalihim ng DOH.



Ayon kay Garin, dapat binabantayan ng mga program director ang mga supplies na kanilang ipinabili upang magamit ang mga ito ng tama at hindi masayang.

“Kung sino ang program director, pagkabili ng mga bakuna at gamot, obligasyon mong ipagamit kaagad at i-monitor ito,” sabi ni Garin.

Kung hindi umano kaya ng program director na gawin ang pag-monitor sa mga supplies ay dapat itong alisin sa pwesto.

“Doon sa warehouse, imbentaryo sila ng imbentaryo, dapat doon may accountability kung sino ang implementing department ng DOH. Dapat may close coordination na kapag binili na dapat nang gamitin hindi kung kailan pa-expire na ay doon pa lang magkakandarapa na i-implement,” dagdag pa nito.

Ang DOH sa ilalim ng administrasyong Duterte ay pinamunuan ni Francisco Duque III.



Nauna rito, pinuna ni Garin si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa kawa-lan ng suplay ng bakuna na makapagliligtas ng buhay.

“Ang dami ngayong namamatay sa pertussis, stock out kayo sa bakuna. Ang dami ngayong may mga bulate, ang dami niyong mga nag-eexpire na praziquantel. Ang dami niyong mga binibiling gamot, nililibing siya kasi nag-eexpire,” dagdag pa ni Garin.