Advertisers

Advertisers

Legal counsel ni Quiboloy na sabit sa kaso nagsampa na ng counter affidavit

0 11

Advertisers

NAGHAIN na sa Department of Justice ng kanyang kontra salaysay ang abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at iba pa na dawit sa reklamong sedition at inciting to sedition.

Ayon sa legal counsel ni Quiboloy na si Israelito Torreon na kinatawan niya mismo ang kanyang sarili.

Sinabi ni Torreon na isinumite na niya ang kanyang counter affidavit sa simula pa lamang ng preliminary investigation.



Nitong Oktubre, isinampa ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, acting director ng Criminal Investigation and Detection Group, ang reklamo bunsod ng naging pahirapan na pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy sa KOJC compound sa Davao City.

Kabilang sa iba pang respondents ay ang Sonshine Media Network International (SMNI) at broadcast personalities na sina Lorraine Badoy, Jeffrey Celis at ang vlogger na si Banat By.

Sa counter-affidavit naman ni Celis, inihayag nito na wala siyang hinikayat na gumawa ng sedisyon at wala siyang ipinakalat na malisyosong ulat na magdudulot ng kaguluhan.

Matatandaan na nitong Agosto, naging mataas ang tensyon sa pagitan ng mga pulis at KOJC members nang ipilit ng mga awtoridad na isilbi ang arrest warrant laban kay Quiboloy.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">