Advertisers

Advertisers

4 patay, 26 sugatan sa karambola ng mga sasakyan

0 24

Advertisers

Patay ang apat katao at 26 ang  sugatan nang araruhin ng truck at magresulta sa karambola ng mga sasakyan sa Katipunan Fly-over sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Acting Director, PCol Melecio Buslig, makalipas  ang 12 oras, nadakip naman ang suspek at driver ng truck na  si Richard Mangupag, 45 sa kanyang  bahay  sa Brgy. UP Village, QC nang tumakas matapos ang aksidente.



Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District District Traffic Enforcement Unit  Traffic Sector 3, nangyari ang aksidente 6:55 ng gabi sa Katipunan Avenue/Aurora Fly-over.

Galing  Col. Bonny Serrano Avenue si Mangupag patungo ng C.P. Garcia Avenue nang mawalan umano ng preno ang minamaneho nitong wing van  ( RJK 719) habang pababa ng flyover.

Dahil dito,  nawalan na umano ng kontrol ang van hanggang sa araruhin ng truck ang nasa 16 na motorsiklo at limang  kotse sa kanyang unahan at nagresulta sa karambola.

Ayon sa pahinante, bigla na lamang silang nakarinig ng  pagsabog hanggang sa mabangga ang mga biktima.

Dahil sa takot tumakas ang driver ng truck.



Iniimbestigahan din ng pulisya ang report na nakikipagkarerahan ang driver sa ibang truck hanggang sa hindi na makontrol ang pakanan at natumbok na ang mga sasakyan.

Sa follow  up operation natunton ang suspek sa kanyang bahay sa UP village.

Nakatakdang kasuhan  ang suspek ng Reckless imprudence resulting in Multiple  Damage to Property with Multiple physical injuries at multiple homicide.(Almar Danguilan/Ernie Dela Cruz)