Advertisers
Ni Rommel Gonzales
MAGANDA ang samahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz kaya sa tanong kung puwede na kayang mag-level up ang kanilang pagtitinginan…
“Sa tingin ko naman, opo,” sagot ni Seth.
“Magiging totoo lang po, may possibility naman talaga dahil palagi kaming magkasama sa trabaho.
“Pero magiging totoo rin po ako, sa lahat ng pinagdaanan din po namin ni Francine, priority po namin is yung trabaho po namin. Lalo na sa panahon ngayon.
“Trabaho namin, pamilya namin, pag-aaral. And siguro, yung friendship na meron kami ni Francine, mas naggu-grow siya.
“Mas nandun na ako sa tipo na kaya ko na siyang protektahan… Kaya ko nang magsalita rin.
“Yun ang sinabi ko kanina, di ba, huwag magsalita. “Pero meron din dapat panahon na magsalita ka sa tamang tao na ipaglalaban mo.
“So, ganun yung meron akong nararamdaman para kay Francine. Kaya ko na siyang mas ipagtanggol ngayon. Kaya ko na ngayong mas panindigan.
“Mas kaya ko nang tumayo. Ako na yung nasa harap ni Chin [palayaw ni Francine], sa likod lang siya. So yun,” lahad pa ni Seth.
Lahad naman ni Francine, “Kasi po, ano, e, best friends kami. So it’s really nice po talaga to have someone na nandiyan para protektahan ka.
“At ganun din naman po ako sa kanya. Yun lang po, ayaw ko lang pong pahabain, kasi, sa amin na lang yun,” at tumawa si Francine.
Marami ang kinikilig sa kanila, sila ba ay kailan huling kinilig sa isa’t isa?
“Kanina, kanina po,” pakli ni Francine. “Bukod sa sinagot niya po kanina… mas kinilig ako dun sa pagdating niya, bumati siya sa akin. Yun.”
“Kagabi,” ayon naman kay Seth, “masayang magkausap kami sa telepono, parang sinabi niya sa akin na, ‘Huwag mong isipin na masama ka. ‘Masyado ka lang mabait kaya ginaganyan ka nila.’
“Walang pinapatamaan. Walang pinapatamaan… pinaalala niya sa akin na nakikita niya yung effort ko. Nakikita niya.
“Kasi sinasabi niya sa akin na minsan, sobrang alalahanin niya na… ako kasi, mas gusto ko na pag sa trabaho, kahit ako lang mag-drive, okay lang.
“Kahit wala akong kasama, basta alam ko kung saan ako pupunta, alam ko yung gagawin ko.
“Tapos wala, parang nagsabi lang siya out of nowhere ng appreciation message sa akin, na nakikita niya yung ginagawa ko, sobra siyang proud sa akin bilang kuya, bilang kapatid, bilang anak.
“Tapos iniisip ko lang na oo nga, ano? Parang sa dati kong trip sa buhay, anlayo na.
“Parang ngayon, kaya ko nang pumunta, kaya kong humarap sa mga tao. Kaya kong gawin itong mga ganitong bagay.
“And na-feel ko na, wow, may nakakita at may nagsabi sa akin.”
Bida sina Seth at Francine sa Metro Manila Film Festival 2024 official entry na My Future You.
Sa direksyon ni Crisanto Aquino, mula ito sa Regal Entertainment, Inc.
Nasa pelikula rin ang kaibigan naming komedyanang si Mosang.