Advertisers
UMABOT sa 13,923 ang naiulat na kaso ng “Violence Against Women and Children” simula Marso 15 hanggang November 30.
Sinabi ni Maria Kristine Josefina Balmes, Deputy Executive Director for Operations ng Philippine Commissioner on Women, na sa nasabing bilang ay 9,176 ang kaso laban sa kababaihan at 4,747 laban sa mga bata.
Sinabi rin ni Balmes na pinakamataas na kaso ang naiulat sa Region VII (Cebu) na tatlong beses ang itinaas kumpara sa National Capital Region.
Pero, ayon kay Balmes, kung ikukumpara noong panahon na wala pang pandemiya, bumaba ang naiuulat na kaso dahil lahat ay nakakapaghain ng reklamo.
Isa lamang, aniya, sa kada-tatlong babae na nakaranas ng karahasan ang nagri-report.
Karamihan aniya sa mga reklamo ay mayroong “close relationship” ang mga biktima sa kanilang perpetrators.
Hinikayat ni Balmes ang sinuman na may alam tungkol sa kaso ng pang-aabuso na mag-report sa hotline ng Philippine National Police na 117.