Advertisers

Advertisers

Durant, Irving sanib puwersa sa panalo ng Brooklyn vs Wizards

0 227

Advertisers

NAGPAKITANG gilas sa kanyang unang laro sa pagbabalik sa NBA ang Brooklyn Nets superstar na si Kevin Durant.
Ito ay makaraang tulungan niya ang kanyang team na ibagsak ang Washington Wizards, 119-114.
Ang debut ni Durant sa NBA preseason games ay makaraang dumanas ito ng Achilles injury mula pa noong 2019 NBA Finals hanggang sa natagalan din ang kanyang recovery.
Ang 32-anyos na dating MVP ay nagtapos sa game ng 15 points, 3 rebounds at 3 assists sa halos 24 minuto na pagkababad sa laro.
Samantala ang kanyang bagong partner naman sa Nets na si Kyrie Irving ay gumana rin ang dating galaw at nag-ambag ng 18 points at 4 assists sa loob ng 17 minuto.
Para naman kay Durant, mistula raw nawala ang kanyang kalawang sa matagal niyang pagkakatengga sa rehabilitasyon sa injury.
Humanga naman ang kanyang coach at NBA legend na si Steve Nash, na halos tawagin niya itong “incredible” sa first game, bago ang simula ng NBA season sa December 22.
Sa panig naman ng Wizards, hindi muna naglaro ang bagong miyembro nila at dating MVP na si Russell Westbrook.