Advertisers

Advertisers

ASCOTF, KIKILOS PARA SA KALIGTASAN NG MGA PULIS LABAN SA COVID-19

0 330

Advertisers

HINDI lang health workers ang frontliner laban sa COVID- 19, kundi maging ang mga pulis.
Dahil trabaho, tungkulin at obligasyon ng mga pulis na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan ng ating kapaligiran, nasa lansangan din ang iba sa kanila upang tiyaking sumusunod ang mamamayan sa batas at mga alituntunin laban sa COVID-19.
Mula sa kanilang papel laban sa COVID-19, umabot na rin sa 8,559 ang mga pulis na tinamaan ng nasabing sakit.
Sa nasabing bilang, 8,054 ang mga gumaling, samantalang 27 ang mga namatay.
Ang natitirang 478 ay nagpapagaling pa.
Upang maiwasan ang pangyayaring ito, kikilos ang Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) na pinamumunuan ni Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang kasalukuyang deputy chief for administration ng Philippine National Police (PNP).
Idiniin ni Eleazar: “We have to maximize the conduct of mass testing among our personnel. In this way, we would be able to immediately isolate those who would be tested positive and give them proper care and eventually stop the transfer of the virus”.
‘Yan ang maganda sa plano ng ASCOTF.
Isa pa, maging ang bawat pamilya at pamayanan ng mga pulis ang kasama sa plano ng ASCOTF, banggit ni Eleazar dahil ang kaakibat na layunin ng mass testing na ilulunsad ng ASCOTF ay naglalayong protektahan ang pamilya ng bawat pulis at pamayanan na kanilang tinitirahan.
Balak ng ASCOTF na magkaroon ng protocol sa COVID-19 testing nito upang maraming pulis ang maisailalim sa mass testing.
Sabi ni Elezar: “Part of this protocol is conduct regular tests on our personnel who are assigned as frontliners and those who are conducting regular law enforcement operations such as personnel of our anti-illegal drugs forces and other units who are on the field running after criminal elements”.
Maganda ang gagawing ito ni General Eleazar dahil kapaka-nan ng mga opisyal at miyembro ng pambansang pulisya ang bibigyan ng kaukulan ng pansin at malasakit, sa pamamagitan ng ASCOTF.
Tandaan nating lahat, hindi pa tapos ang ating suliranin sa COVID-19.
At ang virus na ito ay walang pinipiling nilalang.
Kahit mga pulis na humaharap sa mga kriminal at pusakal ay napakalaki ng posibilidad na magkaroon ng COVID-19 – at possible ring mamatay tulad ng sinapit ng 27 pulis.
Ilang araw na lang ay magpapasko at magbabagong taon na – sayang hindi sila makakapiling ng kanilang mga mahal sa buhay.