Advertisers

Advertisers

Ingram, Williamson sanib puwersa sa panalo ng Pelicans vs Grizzlies

0 297

Advertisers

NASUNGKIT ng New Orleans Pelicans ang kanilang unang tagumpay sa restart ng NBA, laban sa Memphis Grizzlies 109-99, kahapon sa Walt Disney World Complex sa Orlando, Florida.
Nagpasikat si ­rookie star Zion Williams ng 23 points, seven rebounds at five assists, habang si Brandon Ingram bumakas ng team-high 24 points.
Dahil sa panalo ay may tsansa ang pelicans na makapasok sa eight at final playoff spot sa Western Conference.
Jackson Jr. kumamada ng 22 points, upang pangunahan ang opensiba ng Grizzlies, habang si Morant nag-ambag ng 11 points, eight assists at five rebounds.
Bigo ang lahat ng tatlong seeding game ng Grizzlies sa loob ng NBA bubble.
Susunod na makakaharap ng Grizzlies ang Utah Jazz sa Miyerkules, habang ang Pelicans sasagupain ang Sacramento sa Huwebes.