Advertisers

Advertisers

‘Walang iligal’ sa paglipat ng kulungan sa COS ni VP Sara

0 14

Advertisers

IPINALIWANAG ni 1-Rider Representative Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez na hindi ilegal ang pag-isyu ng Kamara ng ‘transfer order’ para kay Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte, sa Institute of Women’s Correctional mula sa House detention facility.

Sa press conference nitong Martes, Nobyembre 26, sinabi ni Gutierrez na base sa umiiral na batas, may kapangyarihan ang Kamara de Representantes na ilipat ang kustodiya ng isang indibidwal ng piitan na inisyuhan ng ‘contempt order’ dahil sa pagsisinungaling, pagsuway sa kautusan o pag-iwas sa pagdinig ng Mababang Kapulungan, tulad ng kaso ni Lopez.

Ang pahayag ni Gutierrez ay bilang reaksiyon sa batikos ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte sa mga miyembro ng ‘House Committee on Good Government and Public Accountability’ sa inilabas na transfer order ni Lopez sa Women’s Correctional nitong Lunes ng madaling araw, dahil itinuring ng mga kongresista ang OVP chief of staff bilang isang regular na kriminal.



Sinabi pa ni Gutierrez na maituturing na “special circumstances” ang kaso ni Lopez, lalo nang nagpumilit si VP Sara na samahan ito sa detention room, na itinuring ng House Secretary General Reginald Velasco na isang “security nightmare.”