Advertisers

Advertisers

Isa pang election officer patay sa ambush

0 20

Advertisers

NASAWI ang isang municipal election officer nang tambangan sa Barangay Curva, Miagao Salvador, Lanao del Norte, Lunes ng hapon, November 25, 2024.
Kinilala ang biktima na si Mark Orlando Vallecer, 51 anyos, municipal election officer ng Nunungan sa Lanao del Norte.
Sa ulat, minamaneho ni Vallecer ang kanyang kotse nang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Curva.
Kaagad nakatakas ang mga salarin.
Naganap ang pagpaslang kay Vallecer tatlong araw mula nang mapatay din sa ambush si John Nico Allan Pandoy, assistant municipal election officer ng Isulan, Sultan Kudarat.

Sakay si Pandoy ng kanyang motorsiklo noong Sabado, November 24, 2025, nang pagbabarilin sa highway sa Barangay Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat.

Nakatakas din ang mga nag-ambush kay Pandoy, at hindi pa nakikilala ng mga imbestigador ng President Quirino Municipal Police Station.



Patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa sunod sunod na pananambang na ito sa mga election officer.