Advertisers

Advertisers

AKTRES AT NEGOSYANTE, INARESTO PARA SA PAGLABAG SA SECURITIES REGULATION CODE

0 64

Advertisers

ISANG aktres at negosyante ang inaresto ng mga tauhan ng Sub-Station 10 Pasay City Police sa pakikipag-ugnayan sa Warrant and Subpoena Section matapos umanong matunugan ang kinaroroonan ng una sa isang basement ng convention center na matatagpuan sa isang mall sa Pasay City noong Sabado, Nobyembre 23, 2024.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Neri,41-anyos .Siya ang akusado, na nakalista bilang Rank #7 (Station Level) para sa Nobyembre 2024.

Si Neri ay dinakip matapos isilbi ang warrant of arrest para sa 14 na bilang ng paglabag sa Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), na naka-docket sa ilalim ng Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR hanggang R-PSY-24-01654-CR at R-PSY-24-01829-CR hanggang R-PSY-24-01840-CR na inisyu ni Hon. Gina Bibat Palamos, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City, noong Setyembre 18, 2024, at Oktubre 16, 2024.



Itinakda ang piyansa sa P126,000.00 para sa bawat isa sa mga bilang; at Estafa sa ilalim ng Article 315 Par 2(a) kaugnay ng PD 1689 (Syndicated Estafa) na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. R-PSY-24-01652-CR na inisyu ni Hon. Ronald August L. Tan, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 112, Pasay City na may petsang Setyembre 17, 2024, na walang nakasaad na piyansa.

Naglabas na ng commitment order ang korte laban sa akusado. (JOJO SADIWA)