Advertisers

Advertisers

Ex-bgy. kapitan timbog sa P20m shabu

0 14

Advertisers

ARESTADO ang isang dating kapitan ng barangay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bangsamoro region nang makuhanan ng P20 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Jolo, Sulu noong Sabado.

Kinilala ng PDEA Sulu Provincial Office ang mga naaresto na sina Sherwin Hapasain Talib, dating chairman ng Barangay Tulay; at Sali Salim Tating.

Nakatakas ang isa pa nilang kasama na si Wilnor Abduhalim nang maramdaman nito ang presensiya ng mga pulis sa lugar.



Katuwang ng PDEA sa nasabing operasyon ang mga operatiba mula sa Philippine National Police at militar.

Nasa kustodiya ng Jolo Municipal Police Station sa Sulu ang mga nadakip, at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.