Advertisers
ARESTADO ang tatlong drug personalities kabilang ang dalawang babae nang makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Malabon City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Eyahn Galverio, 31; Rosylynjoy Luching, 21; at Edna Arevalo, 24, pawang residente ng Caloocan City.
Sa report, 6:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni SSg Julius Sembrero sa loob ng isang Gray Honda City (VVA 384) na nakaparada sa harap ng Tugatog National High School sa Dr. Lascano corner P. Concepcion St., Brgy. Tugatog.
Nasamsam sa tatlo ang aabot sa 28.80 gramo ng shabu na nasa P195,840 ang halaga, at isang cal. 45 baril na may magazine at kargado ng anim na bala na narekober kay Galverio.