Advertisers
PUMANAW na si coach Ronald Dulay Lunes ng gabi dahil sa bone marrow disease, sa edad na 48.
Kinumpirma ni Marinerang Pilipina manager Jed Montero, sa Facebook na ang Lady Spikers ay namatay.
Naglaro si Dulay sa three UAAP volleyball champion teams Far Estern University noong 1990 bago naging coach.
Nag-coach siya sa La Salle men’s volleyball team at nagwagi ng 2 UAAP champions sa 2001 at 2003 bago lumipat sa women’s division.
Ginabayan din ng veteran tactician ang women’s squad ng UP at Letran, Bago bumalik sa Green Archers noong 2014 hanggang 2016 na nagtaos sa 4-8 win-loss card sa season 78.
Nagsilbi rin si Dulay na assistant coach sa Philippine women’s volleyball team sa ilalim ni Ramil De Jesus noong 2005 Southeast Asian Games, at Francis Vicente sa 2017 edition.
Naging bahagi rin siya ng Foton at Generika-Ayala’s coaching staff sa Philippine Superliga.
Si Dulay ang head coach ng Smart sa 2018 Grand Prix bago lumipat sa Marinerang Pilipina sa nakaraang All-Filipina Conference.
Nagsisilbing assistant coach si Dulay kay Marinerang Pilipina coach Vilet Ponce-De Leon ngayon Grand Prix, na nakapaglaro lang ng ilang games dahil sa coronavirus pande-mic.