Advertisers

Advertisers

Speaker Velasco maku-kudeta?, at ang ‘Krismas Tree’ sa Kamara

0 464

Advertisers

NAKU PO!!! Lalo pang lumakas ang ugong ng kudeta ng ilang grupo ng mga kongresista laban kay Speaker Lord Allan Velasco (SLAV).

Oo! Paano naman kasi… habang lumilipas ang mga araw ng panunungkulan ni SLAV ay lalong lumilinaw sa kanyang kapwa mga mambabatas ang karakter nito bilang lider ng Kamara.

Ayon sa isang batikang kongresista ng isang malaking partido pulitikal, lalo pang lumalakas ang ugnayan ng mga mambabatas na nais patalsikin si SLAV sa pwesto.



Wala raw kasing ‘sense of leadership’ si Velasco. Hindi man lamang niya maipagtanggol ang Kamara sa kaliwa’t kanang banat lalo na tungkol sa usaping dagdag-bawas sa 2021 national budget at maging sa patuloy niyang pagsibak sa mga kongresistang hindi niya mga kaalyado bilang mga pinuno ng iba’t ibang komite sa Kamara.

Ayon sa beteranong kongresista, sa halip na pag-isahin ni Velasco ang watak-watak na grupo ng mga kongresista ay wala itong ginawa kundi balikan ang mga kongresistang hindi niya kakampi, habang binibigyan niya ng pabuya ang mga mambabatas na nagtanggol sa kanya sa usapin ng house leadership. Kabilang na dito ang pagluklok sa halos 28 deputy speakers ng Kamara na sinasabi ng mga political analyst na senyales ng kahinaan ni Velasco bilang House Speaker.

Ayon pa nga sa kongresista, dapat umayos-ayos si Velasco sa kanyang pamamahala sa kongreso dahil maaari itong patalsikin kahit anong oras na gusto ng nakararaming mambabatas. Sa nga-yon, binibigyan na lamang daw nila ito ng kaunting ‘leeway’ at pagkakataon dahil sa kanilang pagrespeto kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang kaalyado ni Velasco sa PDP-Laban.

Masyado narin daw nabibingi ang mga kongresista sa katahimikan ni Velasco sa mga usaping hinaharap hindi lamang ng Kamara kundi ng buong bansa. Isa na rito ang sinasabi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na sigurado na umano ang muling pagbibigay ng prangkisa sa ABS CBN sa susunod na taon sa ilalim ng liderato ni Velasco. Kapansin-pansin din ang katahimikan nito sa isyu ng Makabayan Bloc na inakusahan mismo ni Pangulong Duterte bilang legal front ng CPP-NPA. Kumibo lamang si Velasco noon nang kanyang ipinagtanggol ang Makaba-yan Bloc sa umano’y ginagawang red-tagging laban sa mga ito.

Maliban sa mga kongresista, marami ring empleyado ng Kamara ang tumaas ang kilay sa agaw- pansing disenyo ng malaking krismas tree na nasa labas ng session hall sa main lobby ng kongreso. Aba’y sa halip na yung traditional ‘star’ o tala ang nasa tuktok ng krismas tree, pinalitan ito ng malaking pangalan ni Velasco at ng kanyang misis na si Rowena.



Ang krismas tree na ito ay nakaugalian nang proyekto ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) kungsaan napupunta sa mga ordinaryong empleyado ng Kamara ang kita nito. May presyo kasi ang bawat angel decor na nakasabit sa krismas tree at ilalagay ang pangalan mo sa angel decor na iyong babayaran para sa mga ordinaryong House employee.

Eh tila hindi nakuntento ang mag-asawang Velasco na sa maliit na angel decor lamang isabit ang kanilang mga pangalan bilang sponsors. Marami tuloy ang nagreak na pati simbulo ng kapaskuhan ay pinatos ng mga Velasco. Ayaguyy!!! Na pati mismo ang bituin na naging giya ng Tatlong Hari para matunton ang sabsaban kungsaan isinilang si Kristo ay hindi binigyang halaga ng mga ito. Kunsabagay, siya nga pala si Lord. Hehehe…

***

Sunod nating tatalakayin ang “hiwaga” sa likod ng national budget 2021, kungsaan mismo si Senador Ping Lacson ang nagsasabing malamang na i-veto ni Pangulong Digong.

Sabi nga ng batikang Sen. Frank Drilon: “Pang-2022 election budget na ba itong 2021 national budget?”

Oo! mga suki! Grabe itong 2022 national budget na ipinasa ng Kamara. Nangangamoy ang mga singit! Subabayan!