Advertisers
Magandang hapon po. Minsan papunta ako ng palengke, napadaan ako ng Laurel st. corner Coral. Nakita ko na mas grabe ang bentahan dito ng shabu, parang kendi lang sa bangketa, lantaran. Aalukin ka pa nila na bumili na. Tingin nila sayo adik para bentahan nila, dyan sa pagitan ng Coral at Pacheco dyan sa Laurel st., sakop ng Brgy.119 under Chairman Piorada. Paki-alarm ang kapulisan ng Don Bosco station lalo sa SMaRT ni Major Jun Ibay. Maraming salamat po. Pls don’t publish my number. – Concerned citizen
Anyare sa kulang na P1K increase ng SSS pension?
Magandang araw po. Isa lang po ako sa milyong pensionado ng SSS na tumatanggap ng P2,500 kada buwan. Cguro po ay alam nyo ang P2k dagdag pension para sa mga katulad ko pong maliit lang ang pension na nakukuha kada buwan sa SSS, na pinirmahan po ng ating PRES. DUTERTE noon pang 2016, na P1k lang muna ang ibibigay. Pero halos matatapos na po ang termino ng ating Pangulo ay di pa binibigay ang P1k na karagdagan ng SSS. ‘Di po kaya nakurakot narin ito katulad po ng PHILHEALTH? – SSS pensioner
Kotong sa Divisoria
Gud morning. Balita namin napalitan na c George B. Ca-pistrano bilang outpost commander? Dapat lang… kung 22o man un! At isa pa, sana mawala na rin cla Portesa dahil cia pahirap sa maliliit na vendors. Kapag mga walang lagay hinuhuli niya at pinagmu2ra niya, kung ituring niya mga hayop! Ngayon kalahati ng mga lagay ng vendors ay kanya. – Vendor