Advertisers
Sakaling makaligtaan o hindi maipabura ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang “isiningit” sa probisyon ng GENERALS APPROPRIATIONS ACT (GAA) para sa taong 2021 BUDGET na ipinatitigil na nina SENATOR FRANKLIN DRILON at SENATOR SONNY ANGARA ang pagtatrabaho ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE – FORENSIC LABORATORY TEAM ay malaking kabiguan ang magiging epekto nito sa hinahangad na hustisyang maipataw sa kawalang-ingat na paglulunsad ng mga DENGVAXIA IMPLEMENTOR na ikinasawi ng daan-daang mga binakunahang batang mag-aaral sa ating bansa.
Hanggang sa isinusulat ang kolum na ito ay wala pa rin kahit ni isa sa mga mambabatas ang kumukuwestiyon sa “insertion” o dumedepensa man lamang sa kapakanan ng PAO FORENSIC TEAM na pangunahing elemento para sa pagkalap at pagbuo ng mga matitibay na ebidensiya sa mga kasong nilulutas para sa ganap na pagtulong sa MARALITANG SEKTOR.., na walang kakayanang gumugol pangpinansiyal para sa pagdulog sa hukuman.
Sa puntong ito ay naihayag ni PAO FORENSIC CONSULTANT DR. ERWIN ERFE na ang pagbakbak sa kanilang team ay pamamaraan para mapahina ang mga ebidensiya laban sa DENGVAXIA IMPLEMENTORS at aniya ay maaaring nagseselebra na ngayon ang 30 plus respondents at sa mga opisyal ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH), SANOFI PASTEUR, at si ILOILO CONGRESSWOMAN JANETTE GARIN dahil ang 206 criminal at civil cases na isinampa laban sa kanila sa DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) ay sadyang mapapahina na dahil sa nasabing “insertion” nina DRILON at ANGARA na kliyente ng mga ito ang manufacturer ng DENGVAXIA VACCINES.
Bunsod nito ay muling nagpadala ng sulat-komunikasyon si PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA kay PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na hinihiling nito ang “extremely urgent request to VETO ang naisingit sa probisyon na.., ” Nothing in the appropriation provided by this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division”.
Ang pambabakbak sa PAO FORENSIC TEAM ay nag-ugat nang maganap ang DENGVAXIA CONTROVERSY na mismong si PRES. DUTERTE ang nagpahintulot sa PAO na asistehan ang mga nabiktima sa DENGVAXIA VACCINATIONS at sa pamamagitan ng DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT ay nilikha ang PAO FORENSIC LABORATORY.., subalit, nang pasimulan na ang pagsasampa ng mga kaso laban sa DENGVAXIA IMPLEMENTORS na karamihang nasasangkot ay mga GOVERNMENT OFFICIAL ay dito na nagsimula ang mga estratehiya para malusutan ng mga sangkot ang kasong kanilang kinakaharap.
Isang strategy ay sa municipal court naisampa ang mga kaso.., kaya nabasura ang kaso dahil hindi hurisdiksiyon ng municipal court ang gayong kaso.
Sa naging pagpupursige ni PAO Chief na kailangang magkaroon ng isang COURT o isang HUKOM na lamang ang manghahawak sa lahat ng DENGVAXIA CASE ay napaboran ito at ang naitalagang manghawak ay si QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH 107 JUDGE JOSE BAUTISTA JR…, na nitong nakaraang buwan ay pinasimulan ang “arraignment” at abogado lamang ni CONG. GARIN ang nagrepresenta sa kaniya. Gayunman, ang mga hindi nakadalo sa naturang arraignment ay ipinasya ni JUDGE BAUTISTA JR na sa darating na January 27, 2031 itutuloy ang arraignment.
Pursigido si JUDGE BAUTISTA JR na mapagtuunan ang pagdinig hinggil sa DENGVAXIA CASE, kung saan ay mayroon pang mahigit 100 cases ang itatakdang muli para sa arraignment na kabilang na rito si DOH SECRETARY. FRANCISCO DUQUE III sa mga respondent.., kaya naman, ang “insertion” nina DRILON at ANGARA na ipinunto ni ATTY. ACOSTA na ILLEGAL AND CONTRARY TO LAW; UNCONSTITUTIONAL RIDER, DESPOTIC, WHIMSICAL AND VINDICTIVE at VIOLATION OF CIVIL SERVICE COMMISSION RULES AND REGULATIONS na kung mailulusot ay indikasyong winawasak na ng mga sangkot ang PAO FORENSIC upang mapagwagian ang mga kasong kanilang kinakaharap.
Kaya dapat mapag-ukulan ito ni PRES. DUTERTE na ipabura niya ang “insertion”.., dahil kung hahayaan ito ay ang milyong papulasyon ng MARALITANG SEKTOR ang mahihirapan nang makakuha ng hustisya sa silid-hukuman!
BUSINESS TAX PAYMENT PINALAWIG SA QC…
Bilang malasakit ng QUEZON CITY GOVERNMENT sa mga negosyante ng kanilang lungsod ay pinalawig ang pagbabayad ng buwis upang maibsan man lamang ang krisis na dinaranas mula sa epekto ng COVID-19.
Sa pamamagitan ng ordinansang inakdaan nina QC DISTRICT 1 COUNCILOR VICTOR FERRER JR at DIST 3 COUNCILOR FRANZ PUMAREN para sa pagkakaloob ng 3-buwang palugit sa mga negosyante upang maisaayos ang kanilang mga bayarin.., na ang deadline dapat ng business taxes fees at charges ay sa darating na January 20, 2021 ay pinalawig na hanggang April 20, 2021.
“Kami po sa konseho ay laging nakaagapay sa ating mga mamamayan kung kaya ako ay nag-akda ng isang ordinansa upang lubos na makatulong sa mahigit 60,000 nating negosyante sa ating Lungsod Quezon,” pahayag ni Ferrer na nagtapos ng kaniyang BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS.ADMINISTRATION sa UNIVERSITY OF THE EAST at nag-masteral ng BUSINESS ADMINISTRATION sa ATENEO at siya ngayon ang QC CHAIRMAN ng WAYS AND MEANS COMMITTEE.
“We recognize the financial difficulties that most of us are experiencing now, especially our entrepreneurs who were forced to close shop or temporarily suspend their operations. This way, we hope to ease their burden and to help them recover,” pahayag naman ni MAYOR JOY BELMONTE patungkol sa business taxes.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.