Advertisers

Advertisers

GAA National Budget at MUP Pension Increase Differential

0 18,259

Advertisers

Natapos na ang deliberation sa Congress at Senado ang 2021 GAA National Budget, kung saan pumasa na sa Senado ang GAA National Budget, lagda na lang ng Pangulong Duterte ang kailangan, upang ma-release na ito sa first quarter ng 2021. Ang inaasam ng MUP Retirees Pensioners ay ang 2018 Pension Increase Differential na nabinbin pa nuong 2018 na umaasa sa ngayon na ito ay matanggap ngayon first quarter ng 2021.

Ang pag-asa ng MUP Retirees Pensioners ay ang sabihin ni DBM secretary Wendel Avisado na isinama na ng DBM ang 2018 PID sa GAA National Budget. Ang 2018 Pension Increase Differential ay ipinaglaban noon ng joint effort ng MUP Retirees composed of AFP, PNP, BJMP, BFP, maging ang mga biyuda ng MUP Retirees. Naalala ko pa ang pagpunta namin sa Malacañang nina Rex Agpalo ng AFP RSBA, ni Voltaire Engracia ng AMUPRA at ang inyong lingkod ng NPRAI at inihatid ang liham kung saan pinasagot ang DBM sa hinaing ng MUP Retirees. Ang sagot ng DBM ay ipinasa ang issue sa DOJ as third party and seeking the legal opinion kung may karapatan nga ba ang MUP Retirees Pensioners sa 2018 PID na suspend nga para marelease. Nagkaroon ng Mendiola Peaceful Assembly sa Mendiola na kinabibilangan ng Iba’t ibang MUP Retirees Pensioners kasama ang mga biyuda at pinarating sa Pangulong Duterte ang kalagayan ng MUP Retirees Pensioners sa nakabinbin na 2018 PID sa DBM. Salamat sa Panginoon at lumabas ang legal opinion ng DOJ sa karamihan ni DOJ Sec. Menardo Guevarra na nagsasaad na ang MUP Retirees Pensioners ay may karapatan sa 2018 PID. Nakatulong din ang liham ni dating PNP Chief Gen Edgar Aglipay kay Pangulong Duterte sa apela ng 2018 PID, sinundan pa ng liham nina DILG Sec. Año at DND Sec. Lorenzana, kaya makikita top brass at lower echelon ng MUP Retirees ay nagtagumpay sa 2018 claim.

Samahan pa natin ng dasal na sa first quarter ng 2021 at matanggap na natin MUP Retirees Pensioners ng buo ang 2018 PID. Salamat nga rin po sa tiwala sa inyong lingkod na mahirang Pangulo ng Manila’s Finest Retirees Association Inc, MFRAI, mas maging malakas ang inyong lingkod na ipaglaban ang karapatan ng MPD Retirees bagkus pati ang buong PNP Retirees, na sa joint effort sa MUP Retirees ng AFP, at ibang MUP ay matatamo natin ang tagumpay sa tulong ng Panginoon.



PSALM 91: 4

He will cover you with His wings, you will be safe in His care, His faithfulness will protect and defend you.