Advertisers

Advertisers

PAANO ANG MGA BATA, SEC. SONNY A?

0 6,116

Advertisers

SA nagpapatuloy na “Kalbaryo” ng mga residente ng Bgy. Malaban at Dela Paz, sa Binan City, Laguna, dahil sa pagbaha dulot ng anila’y “perwisyong” ‘land reclamation project’ sa kanilang lugar ng kampo ni Mayor Arman Dimaguila, kasama sa “nagpapasan” ay mga kabataang estudyante, na nagkakasakit, humihina ang mga katawan at hindi makapag-aral ng maayos.

At hindi lang pala higit 50,000-katao tulad nang una nating naisulat, bagkus, halos 100,000-residente pala ang apektado ng walang awat na pagbaha sa nasabing mga lugar!

Bagaman higit P3 bilyon pala ang taunang badyet ng lungsod, nagulat tayo na may mga barangay pa pala sa Binan na wala pa ring mga ‘evacuation centers’ katulad ng Malaban at Dela Paz!



Eh, bakit hindi ginawang ‘temporary shelter’ ang reklamasyon ni Mayor Arman samantalang hindi ito kayang abutin ng baha sa taas umanong 15-pulgada (15 feet)?

At sa “lawak” nitong 15-20 ektarya, sabi ng mga residente, aba’y “maluwag” pa ito sa lahat ng mga sinalanta ng kanyang proyekto. Baka nga kasi… ‘for private use only?’

Ang resulta? “Balik-sa-dating-gawi” kung saan, ‘up to now,’ DepEd Secretary Sonny Angara, ginawang mga evacuation centers ang tatlong paaralan sa Malaban at Dela Paz,.

Balik anila sa ‘module learning’ ang kanilang mga anak kahit mahigpit ang tagubilin ni PBBM kay Sec. Sonny na itigil na ang module learning dahil alam niyang walang natututunan ang mga batang mag-aaral.

“Sanga-sanga” na ang problemang idinulot sa mga mahihirap at kontrobersiya ng proyektong ito ng grupo ni Mayor Arman. Pansinin: Sinumulan ito noong 2019– at “patapos” na umano– kahit walang permiso mula sa LLDA at DENR!



At higit na apektado ay mga kabataan. Any comment, Sec.Sonny?

Abangan!