Advertisers

Advertisers

Rufa Mae masaya na product endorser ng DeoFlex products

0 56

Advertisers

Ni Blessie K. Cirera

HAPPY si Rufa Mae Quinto sa kanyang bagong endorsement, ang DeoFlex products na kinabibilangan ng underarm cream, spray, soap at powder.

Masayang itsinika ni Rufa Mae na napapakinabangan nya raw nang husto ang mga ini-endorse niya lalo pa nga’t grabe siyang magpawis kahit hindi summer o tag-init.



Isang karangalan anya sa kanya na mapili ng chemist at CEO ng Doeflex na si Shea Tan na naniniwala na makatutulong siya upang makilala at tangkilikin ng madla ang mga produkto.

Maliban sa natural ingredients, hindi rin daw nakaka-cause ng cancer at nakaiitim ng kilikili ang mga produkto ng DeoFlex.

Tumatagal din daw ang epekto nito kahit maghapon pang nasa labas ng bahay.

Dinagdag pa ni Rufa Mae na ligtas din daw gamitin kahit ng mga bata, kasama na ang 7-anyos na anak niyang si Alexendria Athena, ang mga nasabing DeoFlex products dahil binusisi itong mabuti bago gawin ni Ms. Shea.

Sakali raw may kabigan siyang may putok o underarm problem, itetext umano niya ito para malaman nito na mayroon siyang masangsang na amoy ng kilikili.



Samantala, nilinaw ni Rufa Mae na hindi sila hiwalay ng mister niyang si Trevor Magallanes. Nagkataon lang umano na narito sa bansa ang trabaho niya at nanghihinayang daw siya pag pinakawalan niya ang mga ito.

Pero keri naman daw nila ng anak ang magpabalik-balik ng Tate at PInas kaya wala siyang nakikitang problema rito at nauunawaan naman umano ni Trevor ang desisyon niyang ituloy pa rin ang trabaho rito.