Advertisers

Advertisers

“COLONEL BURIKI” ITATALAGANG REGION 4A PNP CHIEF!

0 1,214

Advertisers

DARATING ang araw na magigising na lamang ang mga mamamayan ng limang lalawigan ng CALABARZON na ang mga siyudad, munisipalidad at barangay ay paghaharian na ng mga kriminal na pulis o yaong mga tinaguriang “criminal cop” na naglulungga sa Batangas City.

Ito ang senaryo na maaring maganap kung masisibak sa kanyang pwesto si Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas at mapapalitan ng di inaasahang aspirante na bagong Police Brigadier General na si alyas “Colonel Buriki”.

Maugong ang balita mula sa sirkulo ng kapulisan sa PNP Region 4A at maging sa Camp Crame na ang “bata” ni dating President Rodrigo “Digong” Duterte na police colonel na ngayon ay isa ng Brigadier General ay posibleng mahirang na kapalit ng noon pa ay napapabalitang masisibak sa pwesto na si Gen. Lucas?



Kapag “natikbalang”, nailigaw ng paniniwala at nagkamali ng desisyon si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ipalit ang dati ay isa sa lider ng Davao Death Squad (DDS) at Duterte Die Hard Supporter (DDS) ay malaking kapahamakan at gulo ang idudulot nito sa mga lalawigan sa CALABARZON.

Sa halip na masusing imbestigahan din ng House Quad Committee na pinangungunahan ni Rep. Robert Ace Barbers ang naturang PNP official kasama ng kanyang mga “criminal cop” at makasuhan kaugnay sa serye ng kasong murder dahil sa pagiging utak nito sa maramihang pagpatay sa lalawigan ng Batangas sa panahon ng kanyang panunungkulan sa ilalim ng Administrasyong Duterte ay mukhang kabaligtaran pa ang mangyayari.

Liban sa pagpatay ay marami pang dapat silipin laban kay “Colonel Buriki” kabilang na ang pagkakaroon nito ng mansyon sa bayan ng Rosario, malawak na mga lupain, quarry at ill-gotten wealth, sa kabila ng katotohanang “halos yapak” at mistulang singaw lang na sumulpot ito sa lalawigan ng Batangas. Nakakagulat ang mabilis nitong pagyaman na dapat ding maipaliwanag nito sa House Quad Comm at Anti-Money Laundering Council (AMLAC).

Sa panunungkulan ni alyas “Colonel Buriki” ay naitalaga ito sa isang key position sa PNP Region 4A at maraming kaso ng pagpatay ang di nalutas na kagagawan pala ng kanyang mga “criminal cop”.

Matapos na madiskubre ng naturang DDS colonel ang malaking pagkaka-kuwartahan sa pagpapatakbo ng mga kailegalan tulad ng Small Town Lottery (STL) bookies, paihi/ buriki o oil at petroleum product pilferage ay ipinapatay nito sa kanyang binuong task force ang mga pinagsusupetsahan nila na may kinalaman sa pagpapatakbo ng naturang ilegal na negosyo.



Sunod-sunod ang naganap na pamamaslang ng task force na kunwari ay anti-crime and drug team na binubuo ng karamihan ay mga bagitong pulis na may mga ranggong patrolman at patrolman first class na pinamumunuan naman ng isang alyas Sgt. Eugene na nagpapakilalang isang police captain.

Kabilang sa mga itinumba ng kunwari ay task force ang isang municipal mayor na tinodas sa pamamagitan ng sniper shot sa ulo habang nanonood ang alkalde ng basketball league sa kanilang town plaza.

Isinisi nina “Colonel Buriki” sa naturang mayor ang di pagbibigay ng intelhencia ng financier ng STL o bookies na nag-ooperate sa kanilang munisipalidad.

Kasunod na itinumba naman ay ang isang negosyante sa Batangas City na pinagdiskitahan ng mga itong nagpapatakbo ng operasyon ng paihi/buriki ng krudo, gasolina, gas at pasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Bala din mula sa isang sniper na lulan ng puting van ang kumitil sa buhay ng naturang mangangalakal na napag-initan din ni “Colonel Buriki” dahil sa paratang na nasa likod din ito ng pinagkakakitaan ng multi-milyong operasyon ng biyahe ng colorum van at illegal terminal sa loob ng compound ng Batangas City Pier.

Ang naturan ding businessman ang iniuulat na buyer ng mga scrap material na lalong kilala sa tawag na “basura” ng mga pabrika at ocean going na mga barko na naka angkorahe sa Batangas City Bay.

Kasunod na itinumba ng mga “criminal cop” ay ang bodyguard ng naturang negosyante na si alyas Joker.

Tatlo sa mga “criminal cop” ay kinumpirma na ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang mga pangalan. Pawang miyembro ang mga ito ng Batangas City Police Office ngunit kahit misan ay hindi nakita ang anino sa tanggapan ng Batangas City Police Headquarters na pinamumunuan ni LtCol. Jephte Banderado.

Kaya pala naman napakatindi ng proteksyon sa operasyon ng paihi/buriki sa lote ng isang Tan malapit sa maingate ng Batangas City Pier, Brgy. Sta. Clara at sa pagpapatakbo ng biyahe ng mahigit sa 1000 na colurom van sa naturang barangay?

Ang operasyon ng paihi/buriki sa Batangas City Port zone ay naagaw ng grupo ni “Colonel Buriki” matapos na maipapatay ang Batangas City based businessman at ang katiwala nitong si alyas Joker.

Hawak na din nina “Colonel Buriki” ang trucking services sa Batangas City Pier at maging sa mga barko pati na ang bentahan ng scrap o “basura” sa Batangas City Pier at mga kanugnog na mga daungan sa Batangas.

Sa kabila ng lahat na ito ay walang karampatang aksyon laban sa mga “criminal cop” si Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. May karugtong. Abangan…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.