Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha mula sa pelikulang Hello, Love, Again, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kaya galit na galit sa kanila ang mga faney ng KathDen.
Umalma nga ang mga KathDen supporters na hindi pa nakakapanood ng part 2 ng blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye, dahil nga sa naglalabasang spoilers.
Noong Wednesday, November 13, nagsimulang mag-showing ang reunion movie nina Alden at Kathryn.
Kasunod nga nito ang pagpo-post ng mga pasaway na vloggers ng mga litrato at video clips, na kuha habang nanonood sila sa loob ng sinehan, na parang walang pakialam sa umiiral na mga batas pagdating sa panonood sa mga cinema.
Tinalakan ng mga netizens ang mga vloggers at sinabihang isang malinaw na paglabag sa batas ang kanilang ginagawa na maituturing na ring pamimirata.
Sabi ng isang faney ng KathDen,“Napakawalanghiya ng mga iresponsableng vloggers na yan. Talagang post kung post sila ng mga eksena sa HLA, pati yung mga plot twist! Ang kakapal ng mukha!”
May ilan naman ang nanawagan sa Star Cinema at GMA Pictures na aksiyunan agad ang isyu dahil hindi imposibleng mapirata rin ang buong pelikula at libre nang mapanood sa Facebook tulad ng nangyari sa Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
May isa namang nag-post ng kaukulang batas na nagbabawal at nagpaparusa sa mga taong kumukuha at nagbi-video ng pelikula sa sinehan.
Batay sa Republic Act No. 10088 o “Anti-Camcording Act of 2010,” mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng video at larawan ng pelikula habang nanonood sa loob ng sinehan.
Narito ang mga parusa sa sinumang lalabag dito.
Ayon sa Section 4 ng RA 10088, “A person who will be found guilty of violating the provisions of Section 3 shall be subject to a fine of Fifty thousand pesos (P50,000.00) but not exceeding Seven hundred fifty thousand pesos (P750,000.00) and imprisonment of six (6) months and one (1) day to six (6) years and one (1) day.
“If the purpose of the commission of the abovementioned acts is the sale, rental or other commercial distribution of a copy of the cinematographic or audiovisual work or its soundtrack, or any part thereof, the penalty shall be imposed in the maximum.
“If the offender is an alien, said person shall immediately be deported after payment of the fine and after serving his/her sentence. He/She shall thereafter be refused entry into the Philippines.”
“If the offender is a government official or employee, the penalty shall include perpetual disqualification from public office and forfeiture of his/her right to vote and participate in any public election for a period of five (5) years.”
***
ZANJOE MARUDO GANADONG MAG-WORK NGAYONG PAMILYADO NA
MAS ganado raw magtrabaho si Zanjoe Marudo ngayong pamilyado na. Ito ang kanyang sinabi sa presscon ng pinagbibidahang pelikula, ang How To Get Away From My Toxic Family na produced ng OgieD Productions Inc ni Ogie Diaz.
” Kasi first time, e, first baby, hindi puwedeng hindi ka nakatutok. Mas maraming puwedeng mangyari lalo na wala kami parehas,” sey ng aktor.