Advertisers

Advertisers

SHABU! SHABU!: P10.2m huli sa Valenzuela; P6.8m nakita sa toilet ng gas station

0 225

Advertisers

HIGIT P10 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga pulis sa mag-live-in partner nang madakip ang mga ito sa buy-bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Ernesto Francisco, 49; at live-in partner nito na si Genelyn Mararac, 33, kapwa naninirahan sa Barangay Ugong ng nasabing lungsod.
Sa ulat, 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kungsaan nagpanggap na buyer ng iligal na droga si Cpl. Kenneth Marcos na nakabili ng P1,000 shabu sa mag-live in, na dinakma naman nina Cpl. Christian Rey Corpuz, Cpl. Redentor Pellesco at Cpl. Mario Martin III.
Nasamsan ng mga pulis sa mga suspek ang isang vacuum packed transparent plastic bag ng shabu at 91 heat sealed transparent platic sachet na nasa P10.2 milyon ang halaga, digital weighing scale, 3 cellular phones, 3 wrist watch, isang pares ng gintong hikaw at 2 gintong kwintas.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

@@@

NAKAKUHA ang mga tauhan ng Bacoor City Police Station ng isang kilo ng shabu sa isang gasoline station sa Bacoor City, Cavite, nitong Miyerkules.
Sa ulat ng Bacoor Philippine National Police (PNP), naglilinis ng comfort room ang team leader ng Shell gasoline station na si Niño Basas, 32-anyos, ng Doña Alicia Ligas I, Bacoor City, nang makita ang isang kilo ng shabu.
Sa ulat, sa pagbukas ng toilet bowl ni Basas ay may nakita itong JRS parcel at nang buksan ay tumambad sa kanila ang isang block ng shabu na nakabalot sa kulay green na may Chinese character. Agad niyang itinawag sa Malumot Police Community Precinct sa Bacoor ang kanyang nakita.
Sa ngayon, nasa Cavite Crime Laboratory office na ang isang kilo ng shabu na batay sa pagtaya ng PNP ay aabot sa P6.8 milyon.
Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon ng PNP para matukoy kung kanino ang narekober na shabu.