Advertisers

Advertisers

Sabog ang gulong pero wagi pa rin

0 276

Advertisers

Muling ipinakita ni Lewis Hamilton kung bakit isa siya sa itinuturing na greatest Formula 1 drivers in history noong Linggo sa British Grand Prix.

Dahil sa dalawang safety car periods sa kaagahan ng karera ay napilitang mag-pitstop agad ang lahat at gamitin ang hard tire na supposedly ay magdadala sa kanila hanggang finish line.

Pero sa huling dalawang laps ay nagkaroon ng flat tires ang tatlo sa top five racers, kabilang na si Hamilton na siyang nangunguna at ang sumesegundang si Valtteri Bottas na kakampi niya sa Mercedes. Sumabog din ang gulong ni Carlos Sainz ng McClaren.



Hindi na nakabawi sina Bottas at Sainz dahil dalawang laps pa ang natitira nung bumigay ang gulong nila. Si Hamilton naman ay nagawang dalhin sa finish line ang kanyang sasakyan with three good tires left para makuha ang ikapitong panalo niya sa Silverstone at 87th win overall sa kanyang career, second only to Michael Schumacher’s 91 race wins.

Ito rin ang third straight win ni Hamilton this season and after a rough start ay lamang na siya ngayon ng 30 points against Bottas sa championship standings.

First time yata nangyari sa F1 na ang nanalo sa race ay may tatlong gulong na lang nang tumawid sa finish line.

May inilabas din na data ang Mercedes na nagpapakitang umabot pa sa 230 kph ang takbo ni Hamilton kahit na noong sumabog na ang isa niyang gulong.

He couldn’t slow down dahil hinahabol siya ng Red Bull driver na si Max Verstappen.



Maraming nagsasabi na boring na raw ang F1 dahil masyadong malaki ang lamang ng Mercedes kung bilis ang pag-uusapan against the rest of the field. Pero tulad nang nakita natin sa British GP, every race is unique at walang nakakasiguro kung sino ang mananalo until someone crosses the finish line.

Patuloy po nating susubaybayan ang race to history ni Hamilton as he vies to tie Schumacher’s record of seven world titles.