Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush ng NPA sa Samar

0 259

Advertisers

IPINAG-UTOS ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang pinalakas na province-wide manhunt operation laban sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nasa likod ng pananambang sa patrol car ng PNP sa Samar nitong Huwebes na ikinasawi ng isang police officer at pagkasugat ng isang detainee.
Kinilala ang nasawi na si Cpl. Earl Hembra.
Pina-mobilized narin ni PNP Chief ang tactical and maneuver forces sa Eastern Visayas.
Naka-deploy narin ang mga pulis mula sa Regional Mobile Force Battalion na kasalukuyang tinutugis ang mga rebelde.
Pinasisiguro ni Sinas kay Police Regional Office (PRO) 8 (Eastern Visayas) Director, Brig. Gen. Ronaldo de Jesus, na mahuli at mapanagot sa batas ang mga rebelde sa pananambang.
Nabatid na 12:56 ng tanghali nitong Huwebes habang pabalik ang mga pulis sa kanilang istasyon mula sa dinaluhang court hearing sa Basey, Samar nang tambangan ng mga rebelde. Sakay sa patrol car sina Hembra, Pat Joseph Ricky Gacagcao at Cpl Jerome Distrajo na pawang miyembro ng Marabut Municipal Police Station na kanilang ini eskortan ang detainee na si Nestor Lumagbas Jr. Sugatan si Lumagbas na nahaharap sa kasong rape.
Sinabi ni Sinas na ngayong hindi magdedeklara ng holiday truce ang gobyerno sa CPP-NPA, lalo pa nilang palalakasin ang kanilang opensiba para labanan ang komunistang grupo.
Pinaigting din ng PNP ang kanilang kampanya laban sa wanted persons partikular ang top communist leaders. (Gaynor Bonilla)