Advertisers

Advertisers

Tulong ng gobierno kailangan ng mga taga-Marikina

0 385

Advertisers

TEXT BRIGADE: NAIS LANG NG INYONG TAGA- HATID BALITA NA NITONG NAGDAAN KALAMIDAD SANHI NG BAGYONG ULYSSES NA MARAMING MAMAMAYAN D2 SA KARATIG BARANGAY LUNGSOD NG MARIKINA AY MARAMI SA ATING MGA KALUGAR O KABARANGAY ANG NALUBOG SA PUTIK AT NAWA-LAN NG MATIRAHANG BAHAY DAHIL SA PAGRAGASA NG TUBIG BAHA NA MASAHOL PA SA NAGDAAN ONDOY. KAYA ANG MGA NAWALAN NG TIRAHAN AY HUMIHINGI NG TULONG SA MGA OPISYAL NG MARIKINA SA PANGUNGUNA NG ATING MASIPAG AT MATULUNGIN NA ALKALDE MARCY TEODORO, CONG. STELLA QUIMBO NG 2ND DISTRICT AT MGA LGU NG MARIKINA. SANA MAKARATING ITO AT MABASA NG PDU30 ANG KAHILINGAN NG MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD.
PANAWAGAN DIN SA MGA MAHIHILIG MAG-QUARRY SA MGA KABUNDUKAN AT ILLEGAL LOGGING: KUNG MAY NATITIRA PA KAYONG AWA AT MAY TAKOT KAYO SA KARMA, ITIGIL NYO NA ANG PAGPAPAHIRAP SA INYONG MGA KABABAYAN. YUMAMAN LANG KAYO MARAMING PAMILYA ANG NAGHIHIRAP SA INYONG MGA NEGOSYONG ILLEGAL. AT DYAN NAMAN SA KAGAWARAN NG DSWD, HANGGA SA NGAYON ANG IKALAWANG BUGSO NG SAP (SOCIAL AMELIORATION PROGRAM) DITO SA MARIKINA ANG DUMATING IKALAWANG BUGSO NI ONDOY – PUTIK, BASURA, AT PARUSA AT GUTOM ANG DINANAS NG MARIKINA. MABUTI MAY ALKALDE KAMING WALANG PAGOD NA UMIIKOT PARA KAMI AY KUMUSTAHIN. – BOSES NG MARIKINYO

Magpabakuna kung may covid vaccine
Kung hindi paniniwalaang mabisa ang mga bakuna na pinagsikapang buuin ng mga dalubhasa, hindi matatapos ang problema sa covid na nagpahinto at sumira sa ekonomiya ng halos lahat ng mga bansa.Kumawala na tayo sa pag-aalinlangan at magpabakuna na, yamang boluntaryo naman mangunguna ang mga namumuno sa gobyerno. Kung ayaw mo parin, pagtiyagaan mo na lamang bertud at henyo ni Mang Kepweng at mga kasamahan niyang arbularyo, malaya kayong makakapamili. – Martin Reyes, Tundo

Sigaw ng seniors ss Maynila: 9 months nang walang laman ang ATM sa PayMaya
Good pm po. Sana inyo po parating kay Mayor Isko na kawawa naman po kami mga Senior Citizen po, 9month na po wala laman ATM namin po sa “PAYMAYA”, samantala yon mga barangay binigyan ng tig P100k kami po P500 lang isang buwan wala pa po, para pambili namin ng gamot po. Sana inyo po kami tulungan po! – Senior Citizen of Manila Dist. 1 to 6 po kami. Salamat po!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">