Advertisers

Advertisers

Ugali ng supporters ni Duterte binira ni SP Escudero; Bato umalma sa pag-open ng Senate transcript sa ICC

0 27

Advertisers

KINUWESTYON ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang ugali ng ilang tagasuporta ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte na basta nalang ipinapawalang-bahala ang mga pahayag nito bilang ‘jokes’ o ‘symbolism’, at itinanong: “Bakit ba ang sagot ng mga tagapagtanggol nila palagi sa mga binibitawang salita ay joke, symbolism, colloquy? Ano ba ‘yon?”

“Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga bagay na ‘yan bagaman narinig na natin noon sa talumpati, sa interview, sa presscon ni dating Pangulong Duterte. Ngayon lamang pinanumpaan at under oath,” sabi ni Escudero.

Binigyang-diin pa ni Escudero ang halaga ng pagbabasa ng mga transcript objectively, na sinasabing inaalis nito ang emotional context, at nagbibigay-daan para sa isang serious interpretation.



Samantala, umalma si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pahayag ni Sen. Escudro na bukas ang Senado na bigyan ng kopya ng Senate transcript ang International Criminal Court (ICC) sakaling mag-request ito ng transcript ng Senate inquiry sa extrajudicial killings kungsaan naging resource person si Duterte.

Giit ni Dela Rosa, hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas. Kaya hindi ito dapat bigyan ng anumang mga dokumento ng gobyerno.

Si Duterte, kasama sina Dela Rosa at ilan pang dating opisyal ng nakaraang administration ay nahaharap sa kasong “Crimes against humanity’ kaugnay ng war on drugs.

Nauna nang sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes na naipadala na niya ang Senate transcript sa ICC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">