Advertisers
MAS makabubuting gamitin sa urgent services tulad sa epekto ng climate change partikular para sa mas maayos na flood control systems, mas matibay na river at seawall controls at pagtitiyak ng climate-resilient communities ang hindi nagagamit na pondo ng Philhealth.
Ito ang iginiit ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa gitna ng babala na nawawalan ang bansa ng P20 bilyon kada taon dahil sa inflation dahil hindi nagagamit ang P500 billion na excess funds.
Magagamit sana ito sa iba pang pangangailangan ng bansa tulad ng ayuda sa mga mahihirap.
Ipinaliwanag ni Escudero na dahil sa hindi naibibigay na serbisyo sa ating mga kababayan ay nasasayang ang pondo kaya’t dapat itong tignang mabuti at busisiin.
Tanong ng senate leader kung bakit nga ba maraming sobrang pera ng PhilHealth samantalang ang dami naman nating mga kababayan na hindi nakikinabang sa mga benepisyo ng PHilhealth?
Kasabay nito, kinumpirma ni Escudero na may mga programa at proyekto sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang kailangang iprayoridad sa pagtalakay ng Senado sa P6.352 trillion proposed national budget.
Kasama rito ang flood control initiatives sa ilalim ng Department of Public Works and Highways gayundin ang climate change at climate adap-tation. (Mylene Alfonso)