Advertisers
APRUBADO na ng National Economic Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng construction period at iba pang adjustments sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project-Phase IV.
Ito’y kasunod ng NEDA Board meeting na pinangunahan mismo ni PBBM sa Malacañang nitong Martes, Nobyembre 5, kung saan partikular na tinalakay ang flood-mitigation initiatives ng pamahalaan.
Dahil dito, tumaas ng 122.79 percent (P12.1 bilyon) ang kabuuang halaga ng Cavite project o ginawa itong P22 bilyon mula sa dating P9.9 bilyon.
Para sa Pasig-Marikina project-Phase IV, inaprubahan din ang 74.32-percent increase (P24.5 bilyon) sa total project cost na dito’y ginawa na itong P57.6 bilyon mula sa dating P33 bilyon. (Gilbert Perdez)